Cristy kay Liza: "Siya ang naglagay ng bakod sa kanyang kinabukasan"

Cristy kay Liza: "Siya ang naglagay ng bakod sa kanyang kinabukasan"

- Muling napag-usapan nina Cristy Fermin sa Showbiz Now Na! ang kontrobersyal na pahayag ni Liza Soberano

- Sinasabing naging isa umano itong inggrata sa paningin ng publiko dahil sa mga binitiwang animo'y reklamo sa kanyang career

- Ayon kay Cristy, sana manlang ay tumanaw ng utang na loob si Liza sa taong nagbigay sa kanya ng "Liza Soberano" sa halip na sabihing ayaw niya talaga ang pangalang ito

- Maayos na sana umano ang paglipat ng ibang management ni Liza subalit gumawa ng ingay ang kotrobersyal na "This is Me" vlog niya kamakailan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling natalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa bagong episode ng kanyang Showbiz Now Na! ang tungkol sa kontrobersiyal na aktres ngayon na si Liza Soberano.

Cristy, sa umano'y pagiging inggrata ni Liza: "Ayaw ko talagang magsalita ng super sakit"
Cristy Fermin (Showbiz Now Na!)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na isa umanong source ni Cristy na maging sa Amerika, marami umano ang nanghihinayang sa career ni Liza sa Pilipinas.

Read also

Jake Ejercito's adorable video with daughter Ellie gains praises from netizens

"At ang kwento po nila, alam mo itong batang ito sinayang niya ang kanyang popularidad. Kilala namin sila. Umuupa lamang sila sa isang maliit na apartment sama-sama sila sa Melrose. Gumanda ang kanilang buhay dahil sa pag-aartista ni Liza," ani Cristy.

Nabalikan din nina Cristy ang nasabi ni Liza na maging ang pangalan nitong 'Liza Soberano' ay hindi nito gusto at naibigay lang sa naya ng ABS-CBN.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Di ka manlang tumanaw ng utang na loob sa pangalan na ibinigay sayo na talaga namang... Diyos ko! Ayaw ko talagang magsalita ng super sakit," ani Cristy.

Aniya, maayos na sana ang desisyong career move ni Liza kung hindi sana ito naglabas ng 'This is Me' vlog na tila puno ng reklamo 'di umano ang nilalaman.

"Kung wala kang inilabas sa vlog mo, kung wala kang sinising tao. Kung hindi mo pinahalagahan 'yung mga taong tumulong sa'yo... Walang ganito. Panghihinayang lang dapat ang nararamdaman sa'yo ng publiko. 'Di tulad ngayon na inggrata ka"

Read also

Rayver Cruz posts birthday greeting for Gerald Anderson: "Mr. MVP"

Nag-iwan din ng paalala si Cristy sa mga publiko kaugnay ng isyung ito.

"Sa kahit anoman pong larangan, ang taong walang utang na loob, inggrata, sa mga taong tumulong sa kanya, wala pong paroroonan. Siya ang naglagay ng bakod sa kanyang kinabukasan."

Patuloy na namamayagpag ng kilala at batikang showbiz writer at reporter sa bansa na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at mga latest isyu sa entertainment scene sa Pilipinas.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez. Mayroon na itong mahigit na 300,000 subscribers.

Sa naturang episode din ng Showbiz Now Na! nailahad ni Cristy ang tagumpay nina Kathryn at Nadine sa showbiz na masasabing malayong-malayo na umano sa napag-iwanan ng mga ito na si Liza "Hope" Soberano.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel