Cristy sa vlog ni Alex tungkol sa pagsurpresa sa fans: "Parang nababalewala e no?"

Cristy sa vlog ni Alex tungkol sa pagsurpresa sa fans: "Parang nababalewala e no?"

- Naikwento ni Cristy Fermin na nababasa niya umano ang komento sa vlog ni Alex Gonzaga

- Ito ay sa kanyang nagawa kamakailan sa 'Dear Alex, baka naman' kung saan sinusurpresa niya ang kanyang mga fans at tinutupad ang hiling nito

- Ani Cristy, marami raw umano ang kumikwestyon sa nilarawan pa niyang 'bait-baitan' ni Alex

- Ito marahil ay konektado pa rin sa kontrobersiyang kinasangkutan ni Alex na naging dahilan para lumabas ang iba pang kwento ukol sa kanya umanong ugali

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa bagong episode ng Showbiz Now Na!, nabanggit ni Cristy Femin na nababasa niya umano ang mga komento sa vlog ni Alex Gonzaga.

Cristy sa vlog ni Alex tungkol sa pagsurpresa sa fans: "Parang nababalewala e no?"
Alex Gonzaga (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Lalo na iyong mga tungkol sa pagtulong at pagsurpresa nito sa kanyang mga fans na umano'y naisaere niya matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan niya noong selebrasyon pa naman ng kanyang kaarawan.

Read also

Cristy sa umano'y pelikula ni Darryl Yap kung saan kasama si Toni G: "Ay, sasama siya do'n?"

"Yung mga vlogs talaga ni Alex na bait-baitan, kinikwestyon talaga ano? Nababasa ko 'yung mga komento," ani Cristy.

Sinegundahan naman ito ni Romel Chika. "Nakakalungkot lang no, ang ganda nu'ng gesture. Pero 'yung pagdating, pagtanggap... implementation parang 'di natin ma-absorb," ani Romel.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Parang nababalewala e no?" ayon pa kay Cristy na sinundan din niya ng katanungang "Kailan kaya nila mabubura ito?"

Sinasabing may kaugnayan pa rin umano ito sa kontrobersiyang kinasangkutan nito sa pamamahid ng icing ng cake sa waiter na nagdala nito sa kanyang birthday celebration.

Malaki ang naging epekto umano nito sa imahe ni Alex kung saan lumabas pa ang ilang mga nagpakilalang nakatrabaho niya at ikinuwento ang mga hindi magagandang karanasan nila sa TV host comedian.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Read also

Cristy, may mensahe sa ama ni Liza Soberano: "Bakit nga kasi hindi niyo pinag-aral?"

Si Alex Gonzaga ay isang komedyante, host at vlogger ng Pilipinas. Siya ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga.

Nag-trending si Alex sa Twitter kamakailan, dahil sa umano'y nagawa nito sa isang waiter sa mismong selebrasyon ng kanyang kaarawan.

Sinabing nagkausap na sila at nakahingi na umano ng tawad si Alex sa naturang waiter sa pamamagitan ng isang pahayag na pirmado ng umano'y na-agrabiyado.

Samantala, sa naunang episode ng Showbiz Now Na! nabanggit nina Cristy na posibleng manganib din ang endorsements ni Alex dahil sa cake issue nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel