Cristy sa bagong tema ng vlog ni Alex: "Halatang-halata naman itong damage control na ito"

Cristy sa bagong tema ng vlog ni Alex: "Halatang-halata naman itong damage control na ito"

- Natalakay nina Cristy Fermin at kanyang mga kasama sa Showbiz Now Na! ang bagong tema ng vlog ni Alex Gonzaga

- Ayon sa kanila, tila isa umano itong damage control sa 'cake issue' kamakailan ng kapatid ni Toni Gonzaga

- Sa naturang video, tinupad ni Alex ang hiling ng ilang fans niya at persona; niya itong ibinigay

- Gayunpaman, pinayuhan ni Cristy si Alex at maging ang kapatid nitong si Toni Gonzaga na magpahinga pansalamantala sa showbiz

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napag-usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez ang tungkol sa kapansin-pansin umano na bagong content ni Alex Gonzaga.

Cristy sa bagong tema ng vlog ni Alex: "Halatang-halata naman itong damage control na ito"
Alex Gonzaga kasama ang dalawa niyang fans na kanya mismong nabisita (Alex Gonzaga YouTube channel)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na ang tinutukoy ng tatlo ay ang 'Dear Alex' kung saan tinutupad ni Alex ang hiling ng ilang napili niyang fans.

Read also

Ogie Diaz, pinasalamatan si Cristy Fermin sa gitna ng umano'y isyu kay Willie Revillame

Ani Cristy, tila maituturing umano itong 'damage control' sa nagawa kamakailan ni Alex na pamamahid ng icing ng cake sa waiter na nagdadala nito.

"Siguro akala ni Alex, ang mga kapwa natin Pilipino ay makukuha sa suhol. Para makalimutan ang kung anomang negativity na ginawa niya," ani Cristy.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Dito sa usapin ng cake, talagang dito siya napuruhan. Kailangan niya talagang magbago ng tema, magbago ng atake. Dahil kung hindi, matatapos ang kanyang karera," dagdag pa niya.

Subalit paalala nilang matatalino na umano ang mga Pilipino at hindi madaling makalimot lalo na sa mga nagagawang hindi maganda ng kapwa.

Dahil dito, payo rin nina Cristy na magpahinga na muna sana ni Alex maging ng kapatid nitong si Toni na tila kabi-kabilang kontrobersya ang kinaharap buhat nang hindi umano pumatok sa takilya ang pelikula nito sa MMFF 2022 na 'My Teacher.'

Read also

Cristy Femin, naawa pa rin kay Willie Revillame nang makausap niya ito

Narito ang kabuuan ng pahayag nina Cristy, Romel at Wendell mula sa YouTube channel nila na Showbiz Now Na!:

Si Alex Gonzaga ay isang komedyante, host at vlogger ng Pilipinas. Siya ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga.

Nag-trending si Alex sa Twitter kamakailan, dahil sa umano'y nagawa nito sa isang waiter sa mismong selebrasyon ng kanyang kaarawan.

Sinabing nagkausap na sina Alex, nakahingi na umano ng tawad si Alex sa naturang waiter sa pamamagitan ng isang pahayag na pirmado ng umano'y na-agrabiyado.

Samantala, sa naunang episode ng Showbiz Now Na! nabanggit nina Cristy ang na posibleng manganib din ang endorsements ni Alex dahil sa cake issue nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel