Cristy, sa mga umano'y umalma sa video ni Liza: "Nagsalita na ang mga taga ABS"

Cristy, sa mga umano'y umalma sa video ni Liza: "Nagsalita na ang mga taga ABS"

- Matapos ang naging kontrobersyal na 'This is Me' vlog ni Liza Soberano, naglabasan umano ang mga reaksyon ng nakatrabaho nito sa produksyon

- Naibahagi ito nina Cristy Fermin sa bagong episode ng Showbiz Now Na!

- Marami umano ang umalma sa mga mabitawang salita ni Liza lalo na sa mga taong nakasalamuha siya

- Ayon pa kay Cristy, napansin din umano nila huli na nang magpasalamat si Liza sa dati nitong manager na si Ogie Diaz maging sa ABS-CBN

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Umalma 'di umano ang ilang mga nakatrabaho ni Liza Soberano matapos lumabas ng kontrobersyal na 'This is Me' vlog nito kamakailan.

Cristy Fermin, ibinahagi ang reaksyon ng dating nakatrabaho umano ni Liza: "Ay, parang wala lang"
Liza Soberano (@lizasoberano)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na naibahagi ni Cristy Fermin sa bagong episode niya ng Showbiz Now Na! ang ilang mga naging reaksyon ng nakatrabaho ni Liza sa produksyon partikular na ang mula sa ABS-CBN.

Read also

Cristy, may mensahe sa ama ni Liza Soberano: "Bakit nga kasi hindi niyo pinag-aral?"

"Yung mga pakikitungo mo sa production people kulang na kulang ka. Kasi nga, akala mo kasi alipin lang itong mga katrabaho mo dahil ikaw ang reyna," ani Cristy.

Ayon kina Cristy maging ng mga kasama nitong sina Romel Chika at Wendell Alvarez, sana'y naisip ni Liza ang mga production people din umano ang nagbibigay komento sa mga artistang kanilang nakakatrabaho kung nais pa nilang kunin muli ito sa mga susunod na proyekto.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"'Di ba ang pumapalaot na kwento ngayon? Hangga't hindi ka kukunan ayaw mong bumaba ng sasakyan kasi naka-aircon ka," ani Cristy base umano sa nakatrabaho noon ni Liza.

Aniya, hindi naman umano gagawa pa ito ng negatibong mga komento at reaksyon kung pinili na lamang ni Liza na hindi ilabas ang kontrobersyal niyang vlog.

Read also

Cristy kay Liza: "Siya ang naglagay ng bakod sa kanyang kinabukasan"

"Kung wala talaga 'yung vlog, kung wala po talaga 'yung kanyang mga reklamo at pagpapawalang halaga sa mga taong nakatulong sa kanya, aabangan nalang sana natin ang Hollywood movie niya," ani Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Isa ang Showbiz Now Na! YouTube channel sa mga pinakaabangan pagdating sa paghahatid ng mga kaganapan sa showbiz scene ng Pilipinas.

Kasama ng batikang showbiz host at writer na si Cristy Fermin ang kanyang mga co-host na sina Romel Chika at Wendell Alvarez sa paghahatid ng maiinit ng maiinit na showbiz chika sa kanilang nasa mahigit 300,000 YouTube subscribers.

Samantala, sa naturang episode din ng Showbiz Now Na! nailahad ni Cristy ang tagumpay nina Kathryn at Nadine sa showbiz na masasabing malayong-malayo na umano sa napag-iwanan ng mga ito na si Liza "Hope" Soberano.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel