Xian Gaza, dinipensahan ang viral nanay ng Eat Bulaga: "Imulat natin sila"

Xian Gaza, dinipensahan ang viral nanay ng Eat Bulaga: "Imulat natin sila"

- Dinipensahan ni Xian Gaza ang isang ginang na naging bahagi ng Bawal Judgmental ng 'Eat Bulaga'

- Sa mensahe ng ginang, pinayuhan nito ang kanyang anak na magsumikap at ito umano ang pag-asa nilang makaahon

- Sa naturang episode, agad ding nasabi ng EB host na si Maine Mendoza na huwag sanang ipasa sa bata ang pag-ahon ng pamilya gayung bata pa ang ina at marami pa itong magagawa sa buhay

- Ayon naman kay Xian, hindi masisisi ang ginang na kadalasang mentalidad 'di umano ng maraming pamilyang Pilipino

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Mabilis na naging usap-usapan ang isang batang ginang na panauhin ng Eat Bulaga sa segment nilang 'Bawal Judgmental' kamakailan.

Xian Gaza, dinipensahan ang viral nanay ng Eat Bulaga: "Imulat natin sila"
Xian Gaza (Christian Albert Gaza)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na umani ng kabi-kabilang kuro-kuro ang mensahe ng magulang para sa anak na pitong taong gulang pa lamang.

Read also

Madam Inutz, ibinida ang picture nila ni Idol Raffy kalakip ng paniningil: "Till tomorrow lang po"

Pinagsusumikap niya ang anak na siyang nakikita umano nitong pag-asa nila na makaahon sa kahirapan.

Dahil dito, hindi naiwasang makatanggap ng negatibong komento ang ina na tila iniaasa na ang pag-ahon sa buhay sa anak na musmos pa lamang.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dinipensahan naman ng online personality na si Xian Gaza ang naturang nanay na hindi dapat sisihin sa ganoong pag-iisip.

"Stop bashing that viral Nanay from Eat Bulaga. Ganu'n siya pinalaki ng magulang niya. Lahat ng tao sa paligid niya ay gano'n ang mindset. Nakakulong sila sa mundo ng poverty. She's representing millions of Filipino parents. Imulat natin sila," ani Xian.

Samantala, sa naturang episode ng Eat Bulaga, hindi rin napigilan ni Maine Mendoza na payuhan ang ang naturang ina. Aniya, bata pa naman ang mag-asawa at marami pang oportunidad na maaring makuha upang sila mismo ang siyang maging dahilan para maiahon sa kahirapan ang kanilang nabuong pamilya.

Read also

Heart Evangelista, walang karte-arteng nagbitbit ng halaman sa Paris

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam. Gayunpaman, kapansin-pansing nakabangon na si Xian sa hindi magagandang sinapit na ito sa kanyang buhay. Katunayan, inspirasyon na ang hatid niya sa tagumpay na tinatamasa ngayon.

Kamakailan, muling gumawa ng ingay sa publiko si Xian sa umano'y naging komento niya sa kababaihan na agad umanong inalmahan ng isa ring influencer na si Donnalyn Bartolome. Minsan na rin siyang nakita sa vlog ni Zeinab Harake, kung saan nakasama siya nitong mag-shopping sa Thailand.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel