Heart Evangelista, walang karte-arteng nagbitbit ng halaman sa Paris

Heart Evangelista, walang karte-arteng nagbitbit ng halaman sa Paris

- Kinaaliwan si Heart Evangelista sa kanyang post kung saan may bitbit siyang halaman sa Paris

- Sa mga pictures na binahagi ni Heart ay makikita siyang patawid ng kalye habang hawak-hawak sa puno ang isang medium-sized ornamental palm tree

- Kalakip din sa kanyang post ang isang video kung saan nakalagay sa loob ng cart ang naturang halaman kasama ng iba pang pinamili niya

- Dinala niya ito hanggang sa pag-akyat niya ng escalator habang maririnig ang boses ng taong kumukuha ng video na nagsasabing "Ayaw niya talagang tumigil, nag-uwi ng halaman"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Heart Evangelista sa Instagram ng kanyang pictures habang may bitbit siyang halaman. Marami ang naaliw sa pictures na ito ni Heart na kuha sa Paris.

Heart Evangelista, walang karte-arteng nagbitbit ng halaman sa Paris
Heart Evangelista, walang karte-arteng nagbitbit ng halaman sa Paris (@iamhearte)
Source: Instagram

Hawak-hawak niya sa puno ang isang medium-sized ornamental palm tree habang patawid ng lansangan. Sa isang video na kalakip sa naturang post niya ay nakalagay sa loob ng cart ang naturang halaman kasama ang iba pang mga pinamili niya.

Read also

Jake Ejercito's adorable video with daughter Ellie gains praises from netizens

Maririnig ang kasama niyang kumukuha ng video na nagsasabing ayaw umano paawat ni Heart at nag-uwi ng halaman.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ikinasal si Heart Evangelista sa dating senador na si Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit. Gayunpaman, isang netizen ang nagkomento na nababaliw na daw ang aktres dahil wala itong anak. Hindi naman ito pinalampas ni Heart at hindi na nakasagot ang naturang basher matapos siyang kuyugin ng mga followers ni Heart.

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan. Aniya, kung bibilangin ay malaki din ang ginagastos niya para sa kanyang accommodation sa tuwing pumupunta siya sa Paris. Matatandaang maraming pagkakataon na rin na naiimbitahan si Heart sa iba't-ibang fashion events sa ibang bansa kabilang na sa sikat na sikat na Fashion Week.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel