Ogie Diaz, idinetalye ang umano'y napapabalitang rebranding ng Eat Bulaga

Ogie Diaz, idinetalye ang umano'y napapabalitang rebranding ng Eat Bulaga

- Nagbigay ng detalye si Ogie Diaz sa umano'y napapabalitang rebranding ng Eat Bulaga

- Usap-usapan ang umano'y pagkawala ng Tito, Vic and Joey sa nasabing pagbabagong bihis ng longest running noontime show sa bansa

- Sinasabing sina Jose Manalo, Wally Bayola at Allan K ang papalit umano bilang main host ng Eat Bulaga

- Dahil dito, pinag-uusapan na umano ang pagkakaroon ng sarili nilang programa ang 'TVJ' na papangalanang Dabarkads

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay detalye si Ogie Diaz tungkol umano sa napapabalitang rebranding ng programang Eat Bulaga.

Ogie Diaz, idinetalye ang umano'y napapabalitang rebranding ng Eat Bulaga
Tito Sotto, Joey De Leon at Vic Sotto (Eat Bulaga)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nitong mga nagdaang araw, napapabalita ang napipintong pagbabago ng longest running noontime show ng bansa.

Ayon sa source ni Ogie, may kaugnayan umano ito sa may-ari ng korporasyon na nagma-mayari ng TAPE na siyang may hawak sa nasabing programa.

Read also

Dating Senate President Tito Sotto, nag-post ng picture kasama si Tony Tuviera

"Sa mga hindi po nakakaalam, 43 years na po ang Eat Bulaga. Ang totoong may-ari ng korporasyon ng TAPE ay si Congressman Romeo Jalosjos," ani Ogie.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Na ang alam natin, magkaibigan sina Cong. Romeo Jalosjos at si Mr. Tony Tuviera. At ang alam ko, si Mr. T ay binigyan ng share, may percentage si Mr. T na ibinigay sa kanya nitong si Congressman Jalosjos," dagdag pa nito.

At dahil sa tagal na ng nasabing programa, tila iba na rin umano ang nais na mapanood ng henerasyon ngayon at hindi ang nakagawian na.

"Ang sabi e pagpapahingahin or kailangan nang mamaalam ng Tito, Vic and Joey"

Kasabay umano nito ang matunog na pagbuo ng sariling programa ng TVJ na itatapat umano sa Eat Bulaga.

"Kaya naman nabuo ang balitang bubuo na lang ang TVJng show na maaring makatapat nitong bagong bihis na Eat Bulaga na ang title ay Dabarkads," ani Ogie.

Read also

Liza Soberano, aminadong na-pressure noon sa KathNiel, JaDine at LizQuen

Kaugnay nito, ang sinasabing papalit umano sa TVJ ay sina Jose Manalo, Wally Bayola at Allan K bilang mga main host ng magbabagong bihis na Eat Bulaga.

"Dito magkaaalaman ang loyalty ng 4, sa TVJ ba o sa Eat Bulaga or wala silang pakialam at ang loyalty nila ay nasa kanilang talento," ani Ogie.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Update" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel