Mga post ni Dennis Padilla ukol sa naging interview sa anak na si Julia, burado na

Mga post ni Dennis Padilla ukol sa naging interview sa anak na si Julia, burado na

- Makalipas ang ilang oras, burado na umano ang mga Instagram post ni Dennis Padilla patungkol sa kanyang komento sa naging interview sa anak na si Julia Barretto

- Tinatayang nasa apat na post ito ng paglalabas niya ng hinaing sa anak kung saan nasambit pa niya ang 'Sobra na kayo'

- Sa isang burado pang post, nakiusap din siya kay Karen Davila na ma-interview nito upang marinig din ang kanyang panig

- Isa sa mga hinaing ni Dennis ay ang pagiging mukha umano niyang useless sa paningin ng iba sa naing pahayag umano ni Julia

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agad na nawala ang naging viral Instagram post ni Dennis Padilla patungkol anak niyang si Julia Barretto.

Mga post ni Dennis Padilla ukol sa naging interview sa anak na si Julia, burado na
Dennis Padilla at Julia Barretto (@dennisastig)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na patungkol umano ito sa mga nasabi ni Julia sa interview sa kanya ni Karen Davila.

Read also

Morly ng SNN, nausisa si Derek sa pagbubuntis ni Ellen; "Sa 2024 pa!"

Aminadong nasaktan si Dennis sa mga nasabi ng anak gayung nagmukha siyang 'useless' sa paningin ng marami.

“You make me look useless... Sobra ka naman...” isa sa mga naging pahayag ni Dennis sa kanyang kontrobersyal na post.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi lamang ito, maging ang post ni Dennis patungkol naman sa kanyang apelyido na ipinatanggal na rin umano ng anak ay kanya pang binalikan.

"Nung pinatatanggal nyo apelyido ko... Humingi ba kyo ng apology????"
"Ako ang dapat takbuhan mo julia.... I defended you pero nagalit pa kayo sa akin... Sobra kayo.... Ano etong mga kwento mo kay karen?? @genepadillaaaa @jenny_ontheblock @juliabarretto @Claudia @danibarretto"

Subalit ilang oras pa lamang mula nang ito'y kanyang nai-post, napansin na rin ng marami na nabura na rin ito sa Instagram ni Dennis na @dennisastig.

Read also

Ogie Diaz, napabungingis sa production number ni Toni Gonzaga sa ALLTV

Gayunpaman, hiniling din ni Dennis na ma-interview rin siya ni Karen Davila upang marinig din ng iba ang panig niya sa naturang isyu.

Si Dennis Padilla ay isa sa mga kilalang aktor partikular na ang pagiging komedyante sa bansa. Naging karelasyon niya si Marjorie Barretto, ang ina nina Julia, Claudia at Leon Barretto.

Matatandaang muling naging usap-usapan ang mag-aama matapos mag-post ni Dennis Padilla ng mensahe niya para sa tatlong anak na sina Julia, Claudia at Leon Barretto. Sinabi niya sa mga ito na nakalimutan siyang batiin ng mga anak noong Father's Day. Agad din niyang binura ang kanyang post ngunit marami na ang nakakita nito.

Kinalaunan ay sumagot si Leon sa pamamagitan ng isang open letter. Pinaliwanag niya ang kanyang saloobin at dahilan kung bakit hindi niya nagawang batiin ang ama. Naitanong niya rin dito kung bakit kinakailangang pahiyain ni Dennis ang anak sa publiko.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel