Morly ng SNN, nausisa si Derek sa pagbubuntis ni Ellen; "Sa 2024 pa!"

Morly ng SNN, nausisa si Derek sa pagbubuntis ni Ellen; "Sa 2024 pa!"

- Naikwento ni Derek Ramsay kay Morly Alinio na nais umano niyang manganak si Ellen sa taong 2024

- Nakapanayam siya ni Morly at naitanong din sa kanya kung ano ang lagay nilang mag-asawa sa showbiz

- Matapos kasi ang kasalan nila noong Nobyembre ng nakaraang taon, marami ang nag-uusisa kung kailan nga ba magbubuntis si Ellen

- Gayunpaman, kitang-kita naman ang saya ng mag-asawa kasama ang anak ni Ellen na si Elias na talagang mahal na mahal din ni Derek

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nai-chika ni Morly Alinio ng Showbiz Now Na! ang ilan sa mga napag-usapan nila ni Derek Ramsay nang makapanayam niya ito.

Morly, nausisa si Derek sa pagbubuntis ni Ellen; "Sa 2024 pa!"
Derek Ramsay and Ellen Adarna (@ramsayderek07)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na tulad ng marami, isa sa mga agad na naitanong ni Morly kay Derek ay kung kailan magbubutis si Ellen Adarna.

Tila excited na rin kasi ang marami sa pagkakaroon ng sarili nilang supling ang showbiz couple matapos na ang mga ito'y makasal noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Read also

Cristy sa pag-file ng annulment ni Raymart sa kasal nila ni Claudine; "Siguro gusto niyang pakasalan si Jodi"

"Sabi niya, 'soon.' Kasi next month tatanggalin na 'yung IUD. E bakit next month pa, 'di na lang ngayon? Kasi may gagawin pa," pahayag ni Morly ayon daw sa dating Kapuso actor.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Saka plano namin ni Ellen na ang anak namin ay isilang sa 2024. (Year of the Dragon) Para tatlong dragon sila. Sabi ko edi apat na pala tayong dragon? Tawa ng tawa si Derek," dagdag pa nito.

Isa rin sa nabanggit ng aktor ang pagtutok na lang muna nilang dalawa ni Ellen sa kanilang buhay pamilya.

Si Morly Alinio ay isang showbiz reporter na bahagi ng YouTube channel ni Cristy Fermin na Showbiz Now Na! Kasama rin nila si Romel Chika sa paghahatid ng mga latest showbiz chika na talaga namang pinakaaabangan ng marami.

Isa nga sa kanilang napag-usapan kamakailan ay ang umano'y kalahating bilyong pisong halaga ng kontrata ni Toni Gonzaga sa AMBS 2. Totoo man o hindi, hindi naman daw talaga matatawaran ang galing at husay ng actress/ TV host.

Read also

Cristy Fermin, sa kontrobersiya ni Herlene Budol; "Madaling lumaki ang ulo ng batang ito"

Isa sa mga naibigay nilang halimbawang proyekto ni Toni ay ang exclusive interview nito kay Presidente Bongbong Marcos. Kasabay din nito ang Malacañang Tour kung saan si PBBM pa mismo ang kasama ni Toni na mag-ikot sa loob at labas ng palasyo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel