Cristy sa nababalitang kalahating bilyong pisong TF ni Toni G: "Di ako sure diyan"

Cristy sa nababalitang kalahating bilyong pisong TF ni Toni G: "Di ako sure diyan"

- Muling napag-usapan nina Criaty Fermin sa Showbiz Now Na! ang sinasabing malaking talent fee ni Toni Gonzaga sa AMBS2

- Tumataginting na aabot daw ito sa kalahating bilyong piso na talagang pinag-uusapan ngayon ng marami

- Gayunpaman, hindi umano sigurado ang malaking numero na ito bilang kapalit ng kontrata ni Toni subalit hindi naman daw matatawaran ang husay ng actress/ TV host

- Isa lamang si Toni Gonzaga sa mga malalaking pangalan sa showbiz na mapapanood sa ALLTV

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napag-usapang muli nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Romel Chika ang tungkol 'di umano sa napakalaking talent fee ni Toni Gonzaga kapalit ng pagpirma nito ng kontrata sa AMBS2.

Cristy sa nababalitang kalahating bilyong pisong TF ni Toni G: "Di ako sure diyan"
Toni Gonzaga (@celestinegonzaga)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na aabot daw ito sa kalahating bilyong piso kaya naman talagang pinag-usapan ito ng marami.

Ayon kay Cristy, bagaman at hindi sila sigurado kung ganoon nga talaga kalaki ang halagang matatanggap ni Toni sa bago nitong istasyon, hindi naman daw talaga matatawaran ang galing at husay ng actress/ TV host.

Read also

Leobert Dasmariñas, sumailalim na sa polygraph o lie detector test

"Kay Toni, wala ka nang hahanapin pa. Magaling siya, pwedeng pagkatiwalaan ng ALLTV."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Kung talento ang pag-uusapan, wala ka nang hahanapin pa sa isang Toni Gonzaga. Rater naman talaga siya at magaling. Magaling na magaling!" papuri ni Cristy sa dating Pinoy Big Brother main host.

Isa sa mga naibigay niyang halimbawang proyekto ni Toni ay ang exclusive interview nito kay Presidente Bongbong Marcos. Kasabay din nito ang Malacañang Tour kung saan si PBBM pa mismo ang kasama ni Toni na mag-ikot sa loob at labas ng palasyo.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Si Cristy Fermin isa sa mga respetadong showbiz reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, pinangunahan niya ang iba't ibang mga talk shows kung saan masasagap ang mga latest showbiz chika.

Read also

Cristy Fermin, sa kontrobersiya ni Herlene Budol; "Madaling lumaki ang ulo ng batang ito"

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbabahagi ng pinakabagong balita sa entertainment scene ng bansa sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel