Ogie Diaz, napabungingis sa production number ni Toni Gonzaga sa ALLTV

Ogie Diaz, napabungingis sa production number ni Toni Gonzaga sa ALLTV

- Nagbigay komento si Ogie Diaz sa naging production number ni Toni Gonzaga sa ALLTV

- Nasabi niyang maaring hindi rin matutuwa mismo si Toni kung mapapanood niya ang naturang performance

- Nagbigay suhestyon din siya sa maaring gawin ng istasyon para sa ikagaganda ng kanilang programa

- Maaring nag-uumpisa pa lamang ang nasabing network na aniya'y maaring maayos pa naman habang tumatagal

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminadong 'na-bother ng slight' si Ogie Diaz sa umano'y kinalabasan ng production number ni Toni Gonzaga sa ALLTV.

Ogie Diaz, napabungingis sa production number ni Toni Gonzaga sa ALLTV
Toni Gonzaga (@celestinegonzaga)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na tahasang nasabi ni Ogie na siya'y napabungisngis nang mapanood ang kabuuan ng song and dance number ni Toni.

"Nangiti lang ako nu'ng una, eh. Hanggang sa mapabungisngis na ako kalaunan habang pinanonood ang prod ng aking kumareng Toni," bungad niya at naihalintulad pa niya ito sa GMA Supershow noong araw.

Read also

Cristy sa nababalitang kalahating bilyong pisong TF ni Toni G: "Di ako sure diyan"

Subalit nagbigay naman ng suggestion si Ogie na sana'y mag-invest umano ang naturang bagong istasyon sa kanilang mga kagamitan para sa ikagaganda ng programa ng ALLTV.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Pero sana, mag-invest nang bongga sa sound system o sa recording. Baka kahit si Toni kung panonoorin uli ito, hindi niya ipagmamalaki yung performance niya, eh. Lalo na yung audio niya," pahayag ni Ogie.

Inintindi na lamang din niya ito gayung nag-uumpisa pa lamang ang AMBS2 at ALLTV sa ere kamakailan.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Ogie Diaz, napabungingis sa production number ni Toni Gonzaga sa ALLTV
Photo: Screengrab from Ogie Diaz
Source: Facebook

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Read also

Cristy Fermin, sa kontrobersiya ni Herlene Budol; "Madaling lumaki ang ulo ng batang ito"

Samantala, isa lamang si Toni sa ilang mga malalaking pangalan sa industriya ng showbiz ang pumirma na ng kontrata sa AMBS2.

Matatandaang naging kontrobersyal pa kamakailan ang halaga ng pagpirma ni Toni ng kontrata na sinsabing tumataginting na kalahating bilyon ang halaga.

Isa ito sa mga napag-usapan nina Cristy Fermin sa kanilang pinakabagong episode ng Showbiz Now Na!

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel