Gigi De Lana, may pakiusap: "Please be kind, ang dami na nang scam sa'kin"

Gigi De Lana, may pakiusap: "Please be kind, ang dami na nang scam sa'kin"

- Ibinahagi ni Gigi De Lana ang ilang mga larawan mula umano sa sinapit niyang aksidente noong Mayo ng kasalukuyang taon

- Aniya, buhat nang mangyari ang naturang aksidente, sunod-sunod pa ang hindi magagandang nangyayari sa kanya

- Sinabihan pa umano siya ng nang-scam sa kanya ng "Get well soon," at hindi na raw ito naawa sa kanya

- Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagpapahinga ni Gigi dahil na rin umano sa nodules na nakita sa kanyang lalamunan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Emosyonal na ibinahagi ni Gigi De Lana ang mga larawan niyang kuha matapos ang sinapit na vehicular accident noong Mayo patungo sa kanilang gig sa La Union.

Gigi De Lana, may pakiusap: "Please be kind, ang dami na nang scam sa'kin"
Photo: Gigi De Lana
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na buhat nang mangyari ang naturang aksidente, ilang kamalasan pa umano ang dinanas ni Gigi.

Read also

Allan K, sa nagsasabing traydor umano siya sa EB: "Nilalagyan ng iba ng meaning"

Isa na rito ay ang magawa pa siyang ma-scam ng taong wala umanong puso at nanakawan pa umano siya sa kanyang bank account.

Ibinuhos niya ang kanyang saloobin sa kanyang post na ipinag-aalala ng marami.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Please be kind. Simula ng naaksidente kami from car accident. ang dami na nang scam sakin."

Ang masaklap, sa isang phone call na mula umano sa scammer ang nagsabi pa ng "get well soon po kay ma'am Gigi"

"Tapos after 'nun ninakawan na ako ng tuloy tuloy hanggang sa maubos laman. Grabe kayo. Di na kayo naawa."

Dahil dito, nakiusap siyang itigil na umano ang gawain ng ilan na mang-scam at magnakaw lalo na ang mga higit na nangangailangan ng tulong.

Narito ang kabuuan ng post:

Si Gigi De Lana ay unang nakilala bilang si Gidget Dela Llana na sumikat nang siya'y sumali sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime. Bukod sa pagiging singer, isa ring aktres si Gigi at nakasama siya sa pelikulang '4 Sisters Before the Wedding.'

Read also

Joey De Leon: "Kung saka-sakali, kami ang kauna-unahang show na kalaban din ang show namin"

Buhat nang mag-pandmeya, naging aktibo si Gigi sa online gig nila ng kanyang banda sa YouTube channel nilang Gigi De Lana and the Gigi Vibes.

Gumawa ng ingay sa social media si Gigi nang mag-viral ang ginawa sa kanya ng kanyang mga kabanda nang kantahin niya ang "Bakit Nga Ba Mahal Kita" ni Roselle Nava.

Nito lamang Abril, inanunsyo ni Gigi ang dalawang buwang pahinga niya sa pagkanta. Ito ay dahil sa nodules na nakita sa kanyang lalamunan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel