Ogie Diaz, saludo kay Gigi De Lana na tinuloy ang mga shows sa kabila ng pagpanaw ng ina

Ogie Diaz, saludo kay Gigi De Lana na tinuloy ang mga shows sa kabila ng pagpanaw ng ina

- Humanga umano si Ogie Diaz kay Gigi De Lana na itinuloy ang mga shows sa kabila ng pagpanaw ng ina

- Matatandaang noong May 14, kinumpirma ni Gigi ang pagpanaw ng ina

- Sa isa sa kanyang mga shows sa Canada, nabanggit niyang nasa ICU na ang kanyang ina na lumalaban sa buhay nito

- Ramdam maging umano ng mga tagapanood noon ni Gigi ang lungkot lalo na nang sabihin ng singer na maaring hindi na niya maabutan ang ina na buhay pa sa kanyang pagbalik sa bansa

Bilib umano si Ogie Diaz sa singer na si Gigi De Lana sa pinakita nitong katatagan sa pagpanaw ng ina.

Ogie Diaz, saludo kay Gigi De Lana na tinuloy ang mga shows sa kabila ng pagpanaw ng ina
Gigi De Lana at kanyang ina (Gigi De Lana FB)
Source: Facebook

Napag-alaman ni Ogie na kasalukuyan noong nasa Canada tour si Gigi at kanyang banda nang kumpirmahin nito ang pamamaalam ng kanyang pinakamamahal na ina.

"Gusto kong hangaan, saluduhan itong si Gigi De Lana. Kasi nga 'nung May 14 ay pumanaw ang ina ni Gigi De Lana. Kung matatandaan natin naka-confine ito e."

Read also

Melai Cantiveros at Jason Francisco, bumisita sa filming location ng 'Queen of Tears'

Ayon sa kanyang source, tinapos pa ni Gigi ang ilang shows sa nasabing bansa upang makuha ang kita na siyang ibabayad sa mga naging gastusin ng pagpapagamot ng kanyang ina gayundin sa pagpapalibing nito

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"She was really sad throughout the night and the reason she chose not to go home the next day is so sje finished her commitments so she can take her earnings to pay for the bills of her mother's medical bills and funeral. We all felt sorry and sad for her."
"Talagang the show must go on. Kahit may dinaramdam, kahit may lungkot sa puso ni Gigi. Nagpaka-professional pa rin siya para walang masabi ang mga tao."

Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataong kinakitaan ng professionalism si Gigi na kahit naaksidente noon patungo sa isang show, nagawa nitong mag-perform ngunit hindi rin nito kinaya.

Read also

Michelle Dee, nag-react sa viral na crowning moment ng MUPH 2024

"Pero this time wala siyang magawa kundu ituloy ang commitment. Kaya sinasaluduhan natin si Gigi ano, na alang-alang din naman sa nanay niya 'yung kanyang ginagawa. And I'm sure, tuwang-tuwa yung nanay niya, proud na proud, dahil kahit apektado si Gigi ay hindi pa rin naman naapektuhan yung performance niya"

Nagpaabot din ng pakikiramay at pakikidalamhati si Ogie kay Gigi.

"Gigi ang aming pakikiramay sa iyo at alam natin na nandun na sa taas ang iyong mahal at dakilang ina. Nakasubaybay din naman sa'yo"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Gigi De Lana ay unang nakilala bilang si Gidget Dela Llana na sumikat nang siya'y sumali sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime. Bukod sa pagiging singer, isa ring aktres si Gigi at nakasama siya sa pelikulang '4 Sisters Before the Wedding.'

Buhat nang mag-pandmeya, naging aktibo si Gigi sa online gig nila ng kanyang banda sa YouTube channel nilang Gigi De Lana and the Gigi Vibes.

Read also

Rabia Mateo, nag-post ng mensahe para ipakita ang suporta niya kay Alexie Brooks

Noong nakaraang taon, inanunsyo ni Gigi ang dalawang buwang pahinga niya sa pagkanta. Ito ay dahil sa nodules na nakita sa kanyang lalamunan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel