Melai Cantiveros at Jason Francisco, bumisita sa filming location ng 'Queen of Tears'

Melai Cantiveros at Jason Francisco, bumisita sa filming location ng 'Queen of Tears'

- Ibinahagi ni Melai Cantiveros sa kanyang Instagram page ang kanilang pagbisita sa restaurant kung saan isinagawa ang ilang eksena ng 'Queen of Tears'

- Kasama niya ang kanyang asawang si Jason Francisco at ang kanilang pamilya sa pagbisita

- Nag-post si Melai ng larawan at nagbigay ng mga komento tungkol sa kanilang karanasan sa nasabing lugar

- Matatandaang kamakailan ay tinanggap ni Melai ang opisyal na pagtatalaga mula sa Korea Tourism Organization sa kanya bilang honorary ambassador

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ni Melai Cantiveros na nakapag-dine sila sa parehong restaurant kung saan isinagawa ang ilan sa mga eksena ng mga lead stars ng palabas na 'Queen of Tears', sina Kim Soo-hyun at Kim Ji-won. Kasama ni Melai ang kanyang asawa na si Jason Francisco at ang kanyang pamilya nang bumisita sila sa nasabing restaurant.

Melai Cantiveros at Jason Francisco, bumisita sa filming location ng 'Queen of Tears'
Melai Cantiveros at Jason Francisco, bumisita sa filming location ng 'Queen of Tears'
Source: Instagram

"Breathing with the same air and Eating with the same food with my @soohyun_k216 and @geewonii #baekhyunwoo #HaeIn ❤️," ayon sa post ni Melai.

Read also

Melai Cantiveros, ibinida ang nakakaaliw na picture ni Stela

Idinagdag pa ng Kapamilya comedienne: "Grabeee ka kilig ui super sarap dn ng food kaya pala dun lagi kumakain si Baek Hyun Woooooooo Labyuuu."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agad nag-react ang mga fans online sa post ni Melai.

"Naks ito yung scene na narinig niyang gusto ni Hyunwoo lagi sa tabi ni Haein kahit nahihirapan siya haha. Pakigaya ng scene na sobrang hina boses sa pag order hahaha," komento ng isang fan.

"Queen of kuan bagay prang pang k drama Miss melai ❤️," sabi ng isa pang fan.

"Winner talaga si momshie Mels!" dagdag pa ng isa.

Sa ngayon, nasa Korea si Melai bilang honorary ambassador ng Korea Tourism Organization para sa kanilang "Family Fun in Korea" campaign.

Personal na tinanggap ng comedienne ang kanyang opisyal na pagtatalaga mula sa organisasyon noong Mayo 21.

Read also

Michelle Dee, nag-react sa viral na crowning moment ng MUPH 2024

Noong nakaraang taon, kasama ang kanyang pamilya, naglakbay si Melai patungong Korea habang kinukunan ang kanyang pelikula na "Ma'am Chief."

Pinag-usapan sa social media ang mga pakikipagsapalaran ng comedienne sa Korea at naging viral ang kanilang mga video online.

Si Melai Cantiveros ay kilala sa kanyang pagiging komedyante at pagiging hands-on mom, na palaging may nakakatuwang kwento tungkol sa kanyang pamilya. Ang kanilang bakasyon sa South Korea ay isa lamang sa maraming masasayang alaala na ibinabahagi ni Melai sa kanyang mga tagahanga.

Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at habambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.

Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari

Read also

Rabia Mateo, nag-post ng mensahe para ipakita ang suporta niya kay Alexie Brooks

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel