Alden Richards, umano'y naloko ng daang milyong piso sa mga pinasok noong negosyo

Alden Richards, umano'y naloko ng daang milyong piso sa mga pinasok noong negosyo

- Naikwento ni Alden Richards ang umano'y matinding pagsubok na dinanas sa pinasok niya noong mga negosyo

- Maging si Ogie Diaz ay nagulat sa laki ng halagang nawala kay Alden

- Nagbigay din ng payo si Alden sa mga nais na pumasok sa negosyo o investment sa panahon ngayon

- Kasalukuyang mapapanood sa mga sinehan ang pelikula nina Alden at Julia Montes na nagsama sa kauna-unahang pagkakataon sa isang proyekto

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, isa sa naikwento ni Alden Richards ang matinding pinagdaanan nito sa pagnenegosyo.

Alden Richards, umano'y naloko ng daang milyon sa mga pinasok noong negosyo
Alden Richards (Alden Richards FB)
Source: Facebook

Ayon kay Alden, ito ay naganap sa mga unang pagkakataong pumapasok at sumusubok siya sa mga investments at negosyo.

Nakakalulang halaga na umabot sa isang daaang milyong piso ang umano'y ikinalugi ni Alden sa mga taong pinagkatiwalaan niya ng kanyang salapi.

Read also

Julia Montes kay Kathryn Bernardo: "Ang tawag nga namin kami ang original love team"

"Hindi naman po siya parang scam, pero parang ganun. 'Yun kasi yung problema mama Ogs e, ngayon ko nare-realize at my age now na mas okay na mas marami kang alam kesa marami kang pera. Kung marami kang pera at wala kang alam, maraming magti-take advantage 'non."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"'Yun po ang nangyari sa'kin way back 2016. During the height of AlDub at talagang buhos. [Naloko ng] iba't ibang tao po. Wake up call ko 'yun. Ngayon na natututunan ko 'tong mga bagay na to, sabi ko sa sarili ko pa'no ako napasok dito. Kasi yung mga taong nasa industriya ng negosyo, investments, memorize nila 'yan."
"More or less po siguro. Sa span of 2016 to 2023. 'Di man po siya loses but the return, ang babagal po wherein may mga ibang investments na kaya yung mabawi nang di ganoon katagal."

Read also

Lani Mercado, sa pagtungo noon sa simbahan: "Kasi ang pinag-uusapan sa pulpito kami"

Gayunpaman, nagbigay ng payo si Alden sa mga nais pumasok sa anumang investment o negosyo. Aniya, dapat na maging mapanuri lalo na sa panahon ngayon.

Si Alden Richards ay isang aktor at TV host sa Pilipinas. Nakilala siya sa pagiging isang host ng Eat Bulaga kung saan nabuo ang love team nila noon ni Maine Mendoza, ang Aldub. Subalit dalawang taon ding namahinga si Alden sa programa at pansamantalang nakabalik noong Marso. Subalit muli na naman siyang nawala roon dahil na rin sa paglisan ng mga orihinal na host nito.

Sa ngayon, bumida si Alden sa pelikulang Five Breakups and a Romance. Ito ang comeback movie ni Julia Montes na namahinga sa big screen o paggawa ng mga pelikula sa loob umano ng walong taon. Ayon kay Julia, mayroon mang mga naibibigay sa kanyang proyekto noon ngunit siya mismo ang tumatanggi dala na rin ng kanyang tutok sa pag-aaral. Subalit aminado itong agad siyang napa-oo sa proyekto nilang ito ni Alden. Matatandaang pumatok sa takilya ang pelikula nilang Hello, Love, Goodbye ni Kathryn Bernardo.

Read also

Nagpakilalang nakarelasyon noon ni Francis M, lumantad sa Pinoy Pawnstars

Samantala, isa si Megastar Sharon Cuneta sa mga kilalang personalidad na hanga umano sa kabutihang ipinakikita ni Alden. Matatandaang minsan na ring napuri ni Cristy si Alden sa pagkakaroon nito ng paninindigan sa gitna ng isyu noon ng Eat Bulaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel