Cristy, hanga sa paninindigan ni Alden: "'di natatakot sa kung ano ang sasabihin ng ibang tao"

Cristy, hanga sa paninindigan ni Alden: "'di natatakot sa kung ano ang sasabihin ng ibang tao"

- Muling natalakay sa Showbiz Now Na! si Alden Richards dahil sa estado nito sa pamamaalam ng TVJ at iba pang kasama niyang host ng 'Eat Bulaga' sa TAPE

- Ayon kay Cristy Fermin, hindi basta makakasama si Alden sa TVJ dahil contract star siya ng GMA

- Gayunpaman, maging sina Tito Sotto ay alam umano ang laman ng puso ni Alden tungkol sa usaping ito

- Matatandaang bago mamaalam ang TVJ sa TAPE, nagkaroon pa umano ng pagkakataong makabalik si Alden sa 'Eat Bulaga'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hanga umano si Cristy Fermin sa paninindigan ni Alden Richards sa mga kaganapan ngayon sa pagitan ng TAPE Inc. at ng Tito, Vic and Joey.

Cristy, hanga sa paninindigan ni Alden: "'di natatakot sa kung ano ang sasabihin ng ibang tao"
Alden Richards
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na natalakay nila ito sa bagong episode ng Showbiz Now Na! ngayong Hunyo 11 kung saan napag-usapan nila ang lagay ng aktor sa noontime show.

Read also

Cristy Fermin, 'di alam umano ang itatawag sa Eat Bulaga na wala ang TVJ: "Fake Bulaga ba?"

Ayon kay Cristy, hindi basta makakasama si Alden sa TVJ at sa iba pa nilang kasamang host ng dating Eat Bulaga. Ito ay dahil sa umano'y exclusive contract ni Alden sa GMA 7.

"Tama 'yung sagot ni Tito Sen. Siguro kapag natapos na ang contract niya sa GMA 7 pupwede na. Ang ganda ng sinabi ni Senator Tito, pero kung ang tatanungin niyo ay ang puso ni Alden Richards, kilala namin ang batang 'yan."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang minsan ding nai-post ni Alden ang larawan niya sa may logo ng Eat Bulaga na may caption na "loyalty."

"At paulit-ulit pong sinasabi ni Alden Richards meron po siyang prinsipyo at paninindigan na ang utang na loob po niya at loyalty ay nasa Tito, Vic and Joey at sa Eat Bulaga"

Read also

Jose, Wally at Paolo sa pagkalas ng TVJ sa TAPE: "Puzzled syempre, gulong-gulo"

Dahil dito, hanga umano si Cristy sa paninindigan ni Alden sa kabila ng kontrobersiyang kinasasangkutan ng noontime show kung saan siya mas nakilala dahil sa "AlDub" nila ni Maine Mendoza.

"Alam mo, bilib ako sa batang ito. Sikat na sikat, napakaganda ng takbo ng karera, hindi natatakot sa kung ano ang sasabihin ng ibang tao. May paninindigan."

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Alden Richards ay isang aktor at TV host sa Pilipinas. Kamakailan ay maayos na itong bumalik sa Eat Bulaga matapos ang halos dalawang taon na wala siya sa naturang programa.

Bago pa man namalaam sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon gayundin ang iba pang host ng Eat Bulaga, nabigyan pa ng pagkakataong makabalik si Alden Richards sa naturang programa. Subalit sa pagpasok ng mga pumalit na host noong Hunyo 5, hindi rin naman nila nakasama si Alden.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel