Ogie Diaz, nakausap si Ian Veneracion: "Nakaganda pa yata yung nasulat sa kanya"

Ogie Diaz, nakausap si Ian Veneracion: "Nakaganda pa yata yung nasulat sa kanya"

- Nakausap umano ni Ogie Diaz ang singer/ actor na si Ian Veneracion

- Ito ay kaugnay sa kontrobersyal na post tungkol sa kanya kamakailan kung saan nabanggit ang umano'y kanyang talent fee

- Ani Ian, sa kabila ng pangyayari, mas dumami umano ang inquiries sa kanya

- Pinayuhan din ni Ogie ang publiko na may kaugnayan sa sitwasyong nabanggit

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Ogie Diaz ang napag-usapan nila ng aktor na si Ian Veneracion na naging matunog ang pangalan kamakailan.

Ogie Diaz, nakausap si Ian Veneracion: "Nakaganda pa yata yung nasulat sa kanya"
Ian Veneracion (Sthanlee B. Mirador)
Source: Facebook

Ito ay dahil isang netizens ang nagbuko ng kung ano ang talent fee ni Ian.

Kinantsawan ni Ogie si Ian ang binirong bakit umano mababa ang talent fee nito.

"Oo nga pare e, parang ang mura na nga e, pero wala naman silang ganung budget," pagbabahagi ni Ogie ng nasabi sa kanya ni Ian.

Read also

Andrew Schimmer, inaming minsang naging alcoholic nang pumanaw ang dating partner

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Oo nga e, 'di ko naman alam kung anong galit sa akin. Pero at the end of the day, ang daming nag-iinquire sa amin ngayon," dagdag pa nito.

Kaugnay nito, may paalala si Ogie sa publiko sa kung bakit hindi dapat ibinabahagi sa social media ang tulad ng nangyari kay Ian.

"'Pag nakikipag-deal po tayo, 'yung mga promoter, yung mga kukuha ng artista. Wala ho tayong karapatang mag-post ng ating mga saloobin tungkol sa paano nakipag-deal sa atin. Kasi siyempre, 'pag pinost niyo yan, sino pang magtitiwala sa inyo 'pag nag-inquire kayo?"
"Tiyak yan, hihina ang trabaho mo, hihina ang raket mo kasi madaldal ka pala. Kasi dinadaldal mo. 'Di ka mapagkakatiwalaan."

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie DIaz Showbiz Update:

Si Ian Veneracion ay isang kapamilya star na kahit may edad na ay patuloy na tinitilian ng mga kababaihan. Sa kanyang edad, marami pa rin ang kanyang ginawang mga teleserye at pelikula bilang leading man. Ilan sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay A Love to Last, Pangako Sa' Yo at Darating ang Umaga.

Read also

Jiro Manio, 'di basta babalik sa showbiz; "Pinagbawalan po ako"

Sa isang vlog ni Bea Alonzo ay nakausap niya si Ian at naibahagi nito na wala siyang pagsisisi na maaga siyang nag-asawa. Ikinasal siya sa edad na 22, apat na taon matapos niyang makilala ang maybahay na si Pam Gallardo. Dito sa panayam ay napaamin siya ni Bea tungkol sa kanyang pagiging seloso.

Ani Ian, tinuturing niyang best decision ng buhay niya na nagpakasal siya ng maaga dahil pinakapaborito niyang role ang pagiging ina,,,. Aniya, kung hindi umano siya ikinasal noon, low quality life ang matatahak niya kaya hindi niya maisip ang buhay niya na hindi siya maging tatay. Marami ang humahanga sa kanya dahil sa pagiging tapat nito sa kanyang asawa kahit pa matagal na silang nagsasama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel