Andrew Schimmer, inaming minsang naging alcoholic nang pumanaw ang dating partner

Andrew Schimmer, inaming minsang naging alcoholic nang pumanaw ang dating partner

- Naikwento ni Andrew Schimmer na minsan siya umanong naging alcoholic

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Ito ay matapos na pumanaw ng dating partner na si Jho Rovero noong Disyembre 2022

- Aniya halos gabi-gabi siya umanong umiinom noon habang umiiyak

- Gayunpaman, naikwento rin ni Andrew kung paano nalampasan ito at nanumnalik ang sigla sa buhay niya nang makilala ang bagong nagpatibok ng kanyang puso

Sa panayam sa kanya ni Julius Babao, isa sa mga naikwento ni Andrew Schimmer ay ang minsan niya umanong pagiging isang alcoholic.

Andrew Schimmer, inaming minsang naging alcoholic nang pumanaw ang dating partner
Andrew Schimmer (John Andrew Schimmer)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nadalas umano ang pag-iinom niya ng alak nang tuluyan nang pumanaw ang dati niyang partner na si Jho Rovero.

Read also

Jiro Manio, 'di basta babalik sa showbiz; "Pinagbawalan po ako"

"Medyo naging alcoholic ako. Every night... kung hindi ako umiiyak nun, talagang umiinom ako. I was so broken at that time."

Dahil dito, aminado si Andrew na nahirapan siya umanong damayan ang mga anak na nagluluksa rin sa pagkawala ng kanilang ina. Ito ay dahil maging siya ay hindi rin okay at labis na dinamdam ang pangyayari.

Subalit sa pagdiriwang ng kaarawan ng bunsong anak, doon nagkaroon ng pagkakataon na pag-usapan nila ang nangyari at kung paano nila ito dinadala.

"Birthday ko nitong June, kinausap ko sila. Doon nagsimula 'yung medyo nag-lighten up ng konte. Nag-iyakan kami ng bunso ko, first time niyang nag-open up sa akin," humanga umano siya sa katapangang ipinakita ng anak gaano man kabigat malaman na hindi babalik ang kanyang ina.

Samantala, sa naturang interview, nabanggit din naman ni Andrew kung paano nanumbalik ang sigla ng kanyang buhay buhat nang makilala ang ngayo'y fiancée niya na si Dimps.

Read also

Cristy, nabanggit na kaibigan niya ang umano'y nakabili ng van ni Daniel Padilla

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Julius Babao:

Si Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na muling napag-usapan sa social media nang buong tapang itong humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia noong Nobyembre 2021. Inabot ng isang taon ang pakikipaglaban ni Jho sa karamdaman niyang ito subalit namaalam na rin bago matapos ang taong 2022.

Ilan minuto bago kumpirmahin ni Andrew ang pagpanaw ng misis noong Disyembre 20, 2022, ibinahagi muna niya ang larawan ng kanilang mga kamay na mayroong couple rings. Marami ang natuwa sa post na ito sa pag-aakalang ikinasal na ang dalawa.

Sinasabing balak na umanong pakasalan ni Andrew si Jho anumang oras subalit hindi na niya ito naisakatuparan pa. Samantala, bago mag-Valentine's Day, ibahagi ni Andrew ang pagpapa-tattoo niya ng mukha ni Jho sa kanyang braso. Ito umano ang paraan ng pag-aalala niya sa misis habang buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel