Romel Chika ng SNN: "Wala na pong magaganap na Valentine's show ang Sharon-Gabby"

Romel Chika ng SNN: "Wala na pong magaganap na Valentine's show ang Sharon-Gabby"

- Hindi na raw matutuloy ang napabalita noong Sharon-Gabby Valentine's concert

- Ito umano ang nakarating sa Showbiz Now Na! naibahagi ni Romel Chika

- Isa sa mga napapabalitang rason ay ang mga demands 'di umano ni Gabby Concepcion

- Matatandaang kamakailan, marami ang nakapansing burado na sa social media ng Megastar ang mga larawan nila ni Gabby kaugnay sa Dear Heart concert nila noong nakaraang taon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay ng Showbiz Now Na! ay ang tungkol sa Sharon-Gabby Valentine's concert na inasahan ng marami.

Romel Chika ng SNN: "Wala na pong magaganap na Valentine's show ang Sharon-Gabby"
Gabby Concepcion and Sharon Cuneta (Sharon Gabby Fans FB)
Source: Facebook

Ani Romel Chika, hindi na raw umano ito matutuloy dahil sa ilang demands ni Gabby Concepcion.

"Wala na pong magaganap na Valentine's show ang Sharon/ Gabby. Bakit kamo? Dahil nabalitaan at bulung-bulungan na parang maraming hinihiling itong si Gabby Concepcion. (para sa kanyang talent fee, kung anik-anik)"

Read also

Anne Curtis, ibinida ang kanyang new look: "'Ako lang 'to guys'"

Matatandaang kamakailan lamang, marami ang nakapansing tinanggal na ni Sharon Cuneta ang mga larawan nila ni Gabby sa kanyang social media.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ito ay kaugnay sa naging concert nila noong nakaraang taon na Dear Heart na tinangkilik pa rin ng kanilang mga fans.

Dahil sa tagumpay ng concert na ito, umasa ang marami lalo na ang kanilang mga supporters na masusundan ito ng Valentine's concert ngayon sanang Pebrero.

Subalit hanggang ngayon, tulad ng nabanggit ni Romel, walang linaw na at wala umanong ingay na matutuloy pa rin ito.

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Romel, Wendell Alvarez at Cristy Fermin:

Si Sharon Cuneta ay isang singer at actress sa Pilipinas. Sa husay niya sa kanyang larangan tinagurian siyang "Megastar." Taong 1984 nang maganap ang umano'y kasalan nila ni Gabby Concepcion na nauwi rin sa hiwalayan.

Read also

Cristy, sa madalas na papuri kay Alden: "Hindi po kami bayaran ni Alden Richards"

Nabiyayaan sila ng supling at ito nga ay si KC Concepcion. Muling nag-asawa ang Megastar at ito nga ay ang dating senador na si Kiko Pangilinan kung saan nabiyayaan sila ng tatlo pang mga anak.

Matatandaang sa naging panayam sa kanya ni Ogie Diaz, hindi na napigilan pa ni Sharon ang pagbulalas niya ng totoong estado ng relasyon nila ng anak na si KC. Nabanggit din niya kung gaano niya ito kamahal at gaano ito kahalaga sa kanya lalong-lalo na sa kanilang pinagdaanan bilang mag-ina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel