Jillian Ward, nakatanggap ng singsing na bakal mula sa fan: "May kalawang pa eh"

Jillian Ward, nakatanggap ng singsing na bakal mula sa fan: "May kalawang pa eh"

- Kinaaliwan ang binahaging video ni Jillian Ward sa TikTok kung saan nasa isang parada siya

- Isang grupo ng kabataang lalaki ang lumapit buhat ang isang lalaki na nagbigay ng singsing sa aktres

- Hindi naman tumanggi si Jillian at game na hinayaan na isuot nito ang singsing isa palang palang metal gasket

- Pinakita din ito ni Jillian sa video sabay hirit na 'May kalawang' pa daw ang singsing

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Jillian Ward ang nakakaaliw na video kung saan nakatanggap siya ng singsing mula sa tagahanga. Habang nasa parada ay isang lalaki ang lumapit para ibigay ang singsing kay Jillian.

Jillian Ward, nakatanggap ng singsing na bakal: "May kalawang pa eh"
Jillian Ward, nakatanggap ng singsing na bakal: "May kalawang pa eh"
Source: TikTok

Inilahad naman ni Jillian ang kamay para maisuot ng lalaki ang singsing sa kanya. Hirit pa ni Jillian, may kalawang pa daw yung singsing.

Read also

Serena Dalrymple, nagbahagi ng update sa pagbubuntis: "10 weeks to go!"

Marami naman ang humanga kay Jillian dahil hindi ito nagpakita ng hindi maganda at nakisabay sa biro ng mga tao. Narito ang ilang komento:

Grabe ang isang Jillian Ward, napakabait

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nahiya yung 299 engagement ring sa welding ring ni kuya! Hahaha!
Napaka appreciative ng Doc. Analyn na yan

Si Jhyllianne Wardë o mas kilala sa kanyang screen name na Jillian Ward ay isang aktres, commercial model, singer at vlogger. Una siyang sumikat nang gumanap siya bilang si Gertrudis "Trudis" Capili-Ferrer sa seryeng Trudis Liit. Siya din ang gumanap bilang Donna Marie "Mayi" Madreal-Escalante sa seryeng panghapon na Prima Donnas na napanood sa GMA-7.

Matatandaang naging usap-usapan ang pagbahagi ni Jillian Ward sa kanyang Istagram post ng kanyang unang sports car. Ito ay matapos ang mahigit tatlong buwan lamang mula nang ibahagi ni Jillian ang kanyang sariling BMW. Sa kanyang murang edad na 17, mayroon nang sariling Porsche sports car ang aktres.

Read also

Kim Chiu at Paulo Avelino, kinakiligan sa kanilang TikTok video

Matapos ang pag-viral at paglabas ng balita kaugnay sa binahagi ni Jillian Ward na kanyang bagong sports car, naging usap-usapan din ang pahayag ni Xian Gaza. Nilabas naman ng kampo ng aktres ang kanyang accomplishments mula sa kanyang pagsisimula sa kanyang showbiz career sa edad na 5 taon at pagbili niya ng bahay sa edad na 7. Sa edad na 14 ay nagsimula na ng kanyang sariling negosyo si Jillian na WONDER TEA Philippines.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel