Xian Gaza, usap-usapan dahil sa komento nito pagbili ng sports car ni Jillian Ward

Xian Gaza, usap-usapan dahil sa komento nito pagbili ng sports car ni Jillian Ward

- Muling naging usap-usapan ang komento ni Xian Gaza sa isang ibinahaging post ng GMA news sa social media

- Tungkol ito sa bagong Porche sports car ng 17 anyos na si Jillian Ward na kamakailan lang ay binahagi ni Jillian sa publiko

- Marami ang naintriga sa komento ni Xian na aniya ay marami siyang nalalaman ngunit ayaw niya na lang magsalita

- Sa kanyang sariling Facebook post ay may pasaring pa ito tungkol sa umano'y taong may pambili ng sports car ngunit ang birthday cake ay x-deal

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapos ang pag-viral at paglabas ng balita kaugnay sa binahagi ni Jillian Ward na kanyang bagong sports car, naging usap-usapan din ang pahayag ni Xian Gaza. Nagkomento ito sa isang post tungkol kay Jillian at nagsabing marami siyang nalalaman ngunit ayaw na lamang niyang magsalita.

Read also

Kampo ni Jillian Ward, ibinida ang kanyang accomplishments

Xian Gaza, usap-usapan dahil sa komento nito pagbili ng sports car ni Jillian Ward
Jillian Ward (@jillian)
Source: Instagram

Sa ilan pa niyang mga pahayag sa kanyang sariling Facebook post, nagpasaring ito tungkol sa aniya'y may pangbili ng bagong sports car ngunit ang birthday cake ay x-deal.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang x-deal ay ang pagkakasundo ng dalawang kampo na walang perang inilalabas. Kadalasan sa mga artista at sikat na personalidad ay nabibigayn ng ganitong offer at ang kapalit ng kanilang produktong natatanggap ay ang kanilang pag-endorso sa publiko.

May pambili ng sports car pero yung mga birthday cakes ay x-deal? Kilala ko kung sino ang nagbigay niyan. Don't me.

Sa kanyang mga komento ay hindi naman naglabas ng iba pang impormasyon si Xian at tila nag-iingat ito lalo at17 anyos lamang si Jillian.

Si Jhyllianne Wardë o mas kilala at sumikat sa kanyang screen name na Jillian Ward ay isang aktres, commercial model, singer at vlogger. Una siyang sumikat nang gumanap siya bilang si Gertrudis "Trudis" Capili-Ferrer sa seryeng Trudis Liit. Siya din ang gumanap bilang Donna Marie "Mayi" Madreal-Escalante sa seryeng panghapon na Prima Donnas na napanood sa GMA-7.

Read also

Military reserves sa Ukraine, nagawang magpakasal sa gitna ng kaguluhan

Matatandaang, nataranta ang kasamahan niya sa isang taping ng kanyang serye nang mag-prank siya. Nagkunwari siyang hinimatay.

Samantala, kung una siyang sumikat bilang isang child star, handa na umano si Jillian na sumabak sa mga seryosong roles.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel