Kampo ni Jillian Ward, ibinida ang kanyang accomplishments

Kampo ni Jillian Ward, ibinida ang kanyang accomplishments

- Kasunod ng pag-viral ng komento ni Xian Gaza, inilabas ng kampo ni Jillian Ward ang kanyang naging accomplishment simula nang pumasok siya sa showbiz

- Kabilang dito ang kanyang pagsisimula sa kanyang showbiz career sa edad na 5 taon at pagbili niya ng bahay sa edad na 7

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Sa edad na 14 ay nagsimula na ng kanyang sariling negosyo si Jillian na WONDER TEA Philippines

- Kasunod ito ng paglabas ng malisyosong alegasyon sa kanyang pagbili ng mamahaling sports car kamakailan

Bilang isa sa pinakasikat at maningning na bituin ng GMA-7, marami na ring naipundar si Jillian Ward kabilang na kamakailan ang kanyang bago at kauna-unahang sports car. Kasunod nito ay may mga lumabas na malisyosong alegasyon kaugnay sa kanyang pagbili ng mamahaling sasakyan.

Kampo ni Jillian Ward, ibinida ang kanyang accomplishments
Jillian Ward (@jillian)
Source: Instagram

Kabilang sa kanyang accomplishments ay ang kanyang pagsisimula sa kanyang showbiz career sa edad na 5 taon at pagbili niya ng bahay sa edad na 7. Sa edad na 14 ay nagsimula na ng kanyang sariling negosyo si Jillian na WONDER TEA Philippines.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Did you know? : Jillian Ward started her own business (WONDER TEA Philippines) when she was only 14 years old. Started her acting career at 5 years old, and bought her (first) own home at 7 years old. She is also one of the youngest (6 yrs old) famas nominees of all time! Congratulations, #GmaTeenQueen! - admin

Matatandaang ilang buwan pa lamang ang nakakalipas nang ibahagi ni Jillian ang kanyang sariling BMW. Marami ang humanga sa dalaga dahil bukod sa kanyang talento ay tila maayos din nitong nama-manage ang kanyang pera.

Si Jhyllianne Wardë o mas kilala sa kanyang screen name na Jillian Ward ay isang aktres, commercial model, singer at vlogger. Una siyang sumikat nang gumanap siya bilang si Gertrudis "Trudis" Capili-Ferrer sa seryeng Trudis Liit. Siya din ang gumanap bilang Donna Marie "Mayi" Madreal-Escalante sa seryeng panghapon na Prima Donnas na napanood sa GMA-7.

Matatandaang, nataranta ang kasamahan niya sa isang taping ng kanyang serye nang mag-prank siya. Nagkunwari siyang hinimatay.

Samantala, kung una siyang sumikat bilang isang child star, handa na umano si Jillian na sumabak sa mga seryosong roles.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel