Jillian Ward, pinakita ang kanyang sariling Porsche sports car

Jillian Ward, pinakita ang kanyang sariling Porsche sports car

- Matapos ibahagi noong nakaraang mga buwan ang kanyang sariling BMW, isang panibagong achievement ang binahagi ni Jillian Ward

- Mayroon na rin siyang sarili niyang sports car na gawa ng German automobile manufacturer na Porsche

- Sa kanyang edad na 17, patuloy na pinatutunayan ni Jillian ang kanyang husay kaya isa siya sa pinaka-in demand na endorser at aktres

- Matatandaang unang sumikat si Jillian nang gumanap siya bilang si Gertrudis "Trudis" Capili-Ferrer sa seryeng Trudis Liit

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi ni Jillian Ward sa kanyang Istagram post ang kanyang unang sports car. Ito ay matapos ang mahigit tatlong buwan nang ibahagi ni Jillian ang kanyang sariling BMW.

Jillian Ward, pinakita ang kanyang sariling Porsche sports car
Jillian Ward (@jillian)
Source: Instagram

Sa kanyang murang edad na 17, mayroon nang sariling Porsche sports car ang aktres. Ibinahagi niya ang picture ng kanyang bagong sasakyan na kulay itim. Sa kanyang post nitong Huwebes ay binaggit din ni Jillian ang German automobile manufacturer na Porsche.

Read also

Mirror selfie ni Sue Ramirez bago ang matinding eksena sa TBMV, kinagiliwan online

Bukod sa kanyang mga ginagawang TV shows, isa din si Jillian sa mga artistang maraming endorsement kaya naman, hindi kataka-takang marami itong napupundar na ari-arian.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa komento ng kanyang mga tagahanga:

Wahhh namo-motivate tuloy akong mag aral! You deserve it po!
May bago ka na nmng bebe! Nung una BMW, ngayon Porsche naman. Akala ko ba ako lang bebe mo ha.ha.ha...just kidding gorgeous. Ang ganda but I Love you more than your sportscar!
How is it that you’re living in every girl’s dream? Grabe grabe talaga!!!! At a young age myghad! Galing naman, ang bata pa naka sports car na!

Si Jhyllianne Wardë o mas kilala sa kanyang screen name na Jillian Ward ay isang aktres, commercial model, singer at vlogger. Una siyang sumikat nang gumanap siya bilang si Gertrudis "Trudis" Capili-Ferrer sa seryeng Trudis Liit. Siya din ang gumanap bilang Donna Marie "Mayi" Madreal-Escalante sa seryeng panghapon na Prima Donnas na napanood sa GMA-7.

Read also

Angeline Quinto, ibinahagi ang ilang detalye ng kanyang personal na buhay

Matatandaang, nataranta ang kasamahan niya sa isang taping ng kanyang serye nang mag-prank siya. Nagkunwari siyang hinimatay.

Samantala, kung una siyang sumikat bilang isang child star, handa na umano si Jillian na sumabak sa mga seryosong roles.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel