Angeline Quinto, ibinahagi ang ilang detalye ng kanyang personal na buhay

Angeline Quinto, ibinahagi ang ilang detalye ng kanyang personal na buhay

- Sa bagong Youtube video ni Vice Ganda sa kanyang Youtube channel, ibinahagi niya ang kanyang pakikipag-chikahan kasama si Angeline Quinto

- Ibinahagi ni Angeline ang ilang detalye ng kanyang personal na buhay kagaya na lamang ng kanyang karelasyon

- Kahit hindi niya masyadong ibinabahagi ang kanyang relasyon sa ama ng kanyang pinagbubuntis, ibinahagi niya kung paano siya bilang karelasyon

- Aniya, mas gusto niyang ikasal sa ama ng kanyang anak para na rin sa kanilang baby

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa panibagong vlog episode ni Vice Ganda, nakasama niya ang malapit na kaibigan na si Angeline Quinto. Napag-usapan nila ang tungkol sa relasyon ni Angeline sa ama ng kanyang anak na kasama niya na rin sa bahay.

Angeline Quinto, ibinahagi ang ilang detalye ng kanyang personal na buhay
Angeline Quinto (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

Hindi masyadong nagbabahagi si Angeline ng detalye tungkol sa karelasyon niya pero naibahagi niya kung paano siya bilang karelasyon.

Read also

Karen Davila sa panayam niya kay Madam Inutz: "One of the most memorable interviews"

Aniya dahil sa kanyang pagbubuntis ay minsan nagiging masungit siya. Gayunpaman, iniintindi umano siya ng kanyang partner dahil buntis siya. Aminado naman siyang na-realize niyang hindi tama ang kanyang pinapakita kaya siya mismo ang nag-so-sorry kapag nakikita niyang wala nang imik ang kanyang boyfriend.

Narito ang ilan sa komento ng mga viewers:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

his is a ‘feel-good’ episode. ❤️ I am pregnant and can relate to Angge’s emotional ups and downs. I super love how Vice sounded very reassuring during their convo. An episode which was very natural, and genuine. It was literally like taking a peek at an intimate conversation of 2 close friends but this one was shared wholeheartedly.
Ang ganda tlga ng pagkakaibigan ng dalawang to. Nakikita mo yung closeness at walang kaplastikan ❤ Hello Meme and Ms Angee !

Read also

Angeline Quinto, nabanggit ang pangalan ng kanyang baby boy habang namimili online

Walang awkward moments sa usapan na to, ang saya lang! We love you ange and meme!!

Si Angeline Quinto ay isang mang-aawit na kinalaunan ay naging aktres din. Una siyang sumikat sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge telserye at pelikula.

Kabilang sa kanyang mga pumatok na vlogs ay ang kanyang pakikipag-collab sa Beks Battalion. Nagkaroon din siya ng video kasama si Chad Kinis.

Isa din si Angge sa mga sikat na personalidad na pumasok na sa paggawa ng YouTube content nang magkaroon ng pandemya. Kinaaliwan ang kanyang pagiging natural na palabiro at komedyante na makikita sa kanyang mga vlog.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel