Angeline Quinto, nabanggit ang pangalan ng kanyang baby boy habang namimili online

Angeline Quinto, nabanggit ang pangalan ng kanyang baby boy habang namimili online

- Nabanggit ni Angeline Quinto ang name ng kanyang baby boy

- Naghahanda at namili na talaga ng mga gamit si Angeline at ang mga kulang na gamit ay binili na lamang niya online

- Nag-enjoy naman siyang mamili, lalo na at pinagbabawalan na siya ng kanyang doktor na maglalabas

- Kamakailan ay nag-jowa reveal na rin si Angeline kung sino ang ama ng kanyang baby boy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Super excited na namili online si Angeline Quinto ang iba pang mga gamit ng kanyang baby boy.

Nalaman ng KAMI na sa nalalapit niyang panganganak, sinisigurado ni Angeline na nabili niya ang lahat ng mga kakailanganin ng kanyang magiging first born.

Angeline Quinto, nabanggit ang pangalan ng baby boy habang namimili online
Angeline Quinto, nabanggit ang pangalan ng baby boy habang namimili online
Source: Facebook

Ipinakita na rin niya ang mga nauna na niyang ipamili subalit dahil kulang ito, naisipan niyang mag-online shopping na lang.

Read also

Dub King, nabiktima umano ng holdap sa loob mismo ng coffee shop sa SM MOA

Pinagbabawalan na rin daw siya ng kanyang doktor na maglalabas ng kanilang bahay. Labis naman itong naunawaan ni Angeline lalo na at alam niyang mas dapat niyang pag-ingatan ang anak kaysa sa sarili.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mula sa mga diaper bag, baby carriers at iba pang kulang na gamit ni baby ay nabili niya online.

Subalit sa pagbibiro niyang 2023 pa raw ang dating ng mga ito, hindi inaasahang masasabi niya ang pangalan ng kanilang baby boy na si "Sylvio."

Narito ang kabuuan ng video:

Si Angeline Quinto ay isang mang-aawit na kinalaunan ay naging aktres din. Una siyang sumikat sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge telserye at pelikula.

Read also

Video ni VP Leni habang binabasa ang placard na "VP Leni, Shot na!", viral

Sa ngayon, lampas na sa isang milyon ang subscribers ng kanyang YouTube channel na Love Angeline Quinto. Mula nang kumpirmahin niya sa publiko ang kanyang masayang pagdadalang-tao, madalas na siyang mag-share ng kanyang pregnancy journey sa kanyang channel.

Isa rin sa ikinagulat ng lahat lalo na ng kanyang mga ka-twinkle ay ang kanyang jowa reveal kung saan isinapubliko na siya kung sino ang nagpapasaya sa kanyang puso ngayon at ang daddy ng baby sa kanyang sinapupunan.

Marami ang natuwa para kay Angeline lalo na at litaw na litaw ang kasiyahan ng dalawa sa paparating na biyaya sa kanilang buhay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel