Serena Dalrymple, nagbahagi ng update sa pagbubuntis: "10 weeks to go!"

Serena Dalrymple, nagbahagi ng update sa pagbubuntis: "10 weeks to go!"

- Ibinahagi ni Serena Dalrymple ang kanyang picture kung saan makikita ang kanyang baby bump

- Ani Serena, 10 weeks na lang at manganganak na siya sa panganay nila ng asawang si Thomas Bredillet

- Matatandaang Nobyembre noong nakaraang taon nang isapubliko ng mag-asawa ang tungkol sa pagbubuntis ni Serena

- Marami ang napa-balik-tanaw sa mga pelikula niya at nagkomento sa kanyang post

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Serena Dalrymple ng update tungkol sa kanyang pagbubuntis. Sa kanyang post sa Instagram binahagi ng dating child star ang kanyang picture kung saan makikita ang kanyang baby bump.

Serena Dalrymple, nagbahagi ng update sa pagbubuntis: "10 weeks to go!"
Serena Dalrymple, nagbahagi ng update sa pagbubuntis: "10 weeks to go!"
Source: Instagram

Sa caption ng kanyang post ay naibahagi niyang 10 weeks na lang at manganganak na siya sa panganay nila ng asawang si Thomas Bredillet.

Marami ang napabalik-tanaw sa mga pelikula ni Serena matapos niyang ibahagi ang naturang post. Narito ang ilang komento:

Read also

Kim Chiu at Paulo Avelino, kinakiligan sa kanilang TikTok video

Grabeh naalala ko tuloy movie mo na bata bata pano ka ginawa, ahaha.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Congrats... Baby girl... U still a young girl for me. Serena Dyrimple
I'm binge watching all your movie now. You are really a good artist

Matatandaang Nobyembre noong nakaraang taon nang isapubliko ng mag-asawa ang tungkol sa pagbubuntis ni Serena.

Si Serena Dalrymple ay isang dating child actress sa industriya ng pelikula at telebisyon sa Pilipinas. Ipinanganak siya noong January 7, 1990. Ang kanyang mga pelikula ay kinabibilangan ng "Sarah... Ang Munting Prinsesa" (1995), "Haba-baba-doo, puti-puti-poo!" (1998), at "Magnifico" (2003), kung saan siya nakatanggap ng iba't ibang parangal para sa kanyang husay sa pagganap. Bagamat hindi na siya gaanong aktibo sa showbiz sa kanyang paglaki, iniwan ni Serena Dalrymple ang kanyang marka bilang isang magaling na child actress sa kanyang mga proyekto sa nakalipas na mga taon.

Read also

Dimples Romana sa epekto ng socmed detox ni Angel Locsin: "Yung face niya, maaliwalas"

Sa kanyang pamamalagi sa ibang bansa, marami pa rin sa kanyang mga tagahanga ang nakasubaybay sa kanya sa pamamagitan ng kanyang social media account. Taong 2020 nang ibahagi ni Serena ang isang picture niya noong isa siya sa mga child star sa showbiz. Ito ay sa kanyang pagdiriwang ng kanyang ika-30 na kaarawan.

Sa kanyang naunang post, nagbalik-tanaw ang dating child star. Aniya, apat na taon na ang nakakalipas nang maka-match niya sa isang dating app ang kanyang fiancé. Naibahagi niya rin na nakatakda na silang ikasal ng kanyang fiancé ngayong taon. Bumuhos naman ang pagbati para sa dating aktres na hanggang sa kasalukuyan ay marami pa rin ang tagahangang sumusubaybay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel