Dimples Romana sa epekto ng socmed detox ni Angel Locsin: "Yung face niya, maaliwalas"

Dimples Romana sa epekto ng socmed detox ni Angel Locsin: "Yung face niya, maaliwalas"

- Naitanong kay Dimples Romana ang kalagayan ng kanyang matalik na kaibigang si Angel Locsin

- Bilib na bilib si Dimples sa kaibigan na kasalukuyan daw nag-social media detox at maging siya ay natututo mula sa kanya

- Nakakasama daw ni Dimples ang kaibigan at masaya siya sa magandang epekto ng socmed detox sa kaibigan niya

- Ani Dimples, maaliwalas ang mukha ng kaibigan niya dahil sa kanyang pagpapahinga sa social media

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabahagi ni Dimples Romana na nakakasama niya si Angel Locsin ngunit aniya ay hindi daw ito humahawak ng cellphone. Sa panayam na binahagi ni Dondon Sermino sa YouTube, nabanggit niyang maganda ang epekto ng social media detox sa kanyang kaibigan.

Dimples Romana sa epekto ng socmed detox ni Angel Locsin: "Yung face niya, maaliwalas"
Dimples Romana sa epekto ng socmed detox ni Angel Locsin: "Yung face niya, maaliwalas"
Source: Youtube

Maging siya daw ay natututo at parang gusto niya din. Aniya, natutunan niyang hindi dapat lahat ng magagandang nangyayari sa buhay ay dapat i-post. Kaya naman, maging sa kanyang social media ay limitado na rin ang kanyang pag-post.

Read also

Kim Chiu at Paulo Avelino, kinakiligan sa kanilang TikTok video

Hindi din daw nila napag-uusapan ang tungkol sa plano ni Angel kung magbabalik showbiz daw ba ito. Ani Dimples, hindi daw ito updated sa showbiz at tungkol sa personal na buhay ang kadalasang napagkukuwentuhan nila.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.” Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano. Nang magkahiwalay sila ni Luis, naka-relasyon niya ang film producer na si Neil Arce.

Matatandaang sa kanyang post kung saan ibinahagi niyang litrato nila ni Kris Aquino, isang netizen ang nagkomento sa post ni Angel. Inalmahan ni Angel ang komento nito na "Mabuhay ang NPA" at sinita ng aktres ang kanyang pang-re-redtag. Maging si Neil Arce ay umalma din at pabirong sinabi na siguro umano ay naniniwala din ito sa Tallano gold. Matatandaang dati nang naging biktima ng red-tagging ang kapatid ni Angel na kanyang inalmahan hanggang sa magkausap sila ng military official na si Parlade.

Read also

Alora Sasam, binahagi ang video ng pag-bowling ni Kathryn Bernardo: "Pikon na siya"

Sa kanyang pinakahuling vlog, kasama nina Angel at Neil ang ina ni Neil sa kanilang bakasyon sa Spain. Binahagi ng mag-asawa ang kanilang masayang pamamasyal sa Madrid. Nakipagkulitan din ang biyenan ni Angel sa kanila na siya pang kumukuha ng video at pictures sa mag-asawa. Marami naman ang natuwa sa pagiging malapit ng mag-asawa sa ina ni Neil dahil kasama pa nila ito sa kanilang bakasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel