Ogie Diaz sa viral song number ni Albie sa Mutya Ng Cotabato: "Hindi naman daw lasing"

Ogie Diaz sa viral song number ni Albie sa Mutya Ng Cotabato: "Hindi naman daw lasing"

- Nagbigay komento si Ogie Diaz sa umano'y naging performance ni Albie Casiño sa Mutya Ng Cotabato 2023

- Puna ng marami, tila nakakainom di umano si Albie nang kumanta siya sa naturang pageant

- Inalam ni Ogie kung may katotohan ba ito subalit paglilinaw ng manager ni Albie, hindi raw ito lasing nang mag-perform

- Pinayuhan na rin ni Ogie ang mga artista o performer na rumaraket na paghandaan ang pagtatanghal upang mapagkatiwalaan ang serbisyo at makaulit sa iba

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Ogie Diaz, Mama Loi at Dyosa Pockoh ay ang viral na performance ni Albie Casiño.

Ogie Diaz sa viral song number ni Albie sa Mutya Ng Cotabato: "Hindi naman daw lasing"
Albie Casiño FB
Source: Facebook

Naganap ito sa Mutya Ng Cotabato 2023 kamakailan kung saan karamihan ng komento ng nakapanood, inakalang nakakainom umano si Albie.

Dahil dito, natanong ni Ogie ang manager ng aktor at sinabing hindi naman daw ito lasing nang sumalang sa entablado para haranahin ang mga kandidata ng nasabing pageant.

Read also

Ogie D, dinipensahan si Baron Geisler: "They made sure na hindi nakainom si Baron"

"Bakit ganu'n ang mga tao. Kapag wala lang sa tono, sasabihin lasing," ani Ogie.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, nagbigay din siya ng payo sa mga artista o ibang performers na kinukuha umano sa mga raket sa iba't ibang lugar lalo na at tila times two o minsan pa'y times three ng talent fee ng artista ang nabibigay sa kanila sa mga raket.

"Dapat ha, sa lahat ng artista, dapat pinaghahandaan ninyo 'yung inyong pagdalo doon. Lalo na nag-aksaya kayo ng panahon, ng pagod. 'Di ba minsan lang kayo pumunta sa lugar na 'yun. Dapat very memorable ang inyong presensya doon"
"Seriously speaking, dapat 'pag raket, binabayaran naman tayo ng tama dapat gawin naman natin ng maayos 'yung performance natin."

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie mula sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Read also

KC sa Sharon-Gabby concert: "It's a show for other people but it's real life for me"

Si Albie Casiño ay isang Filipino actor na dating naging kasintahan ni Andi Eigenmann. Siya ang ikalawang evictee sa Pinoy Big Brither Season 10 celebrity edition.

Gumawa ng ingay kamakailan si Albie dahil umano sa naging isyu nila ng kapwa housemate na si Alexa Ilacad. Bago pa man tuluyang ma-evict si Albie, nagkausap at nagkaayos na sila ni Alexa.

Matatandaang kasama niyang nominado sa 2nd eviction night na iyon sina Anji at KD. Bagaman at naligtas at hindi napili lumabas ng bahay si KD, labis naman niyang dinamdam ang muli niyang pagiging nominado sa ikatlong pagkakataon na.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel