Cristy Fermin, sinabing alam daw ni Gabby Concepcion ang dahilan ng pag-unfollow ni KC kina Kiko at Frankie

Cristy Fermin, sinabing alam daw ni Gabby Concepcion ang dahilan ng pag-unfollow ni KC kina Kiko at Frankie

- Naibahagi ni Cristy Fermin sa kanyang show na Cristy FerMinute ang tungkol sa isyu ng pag-unfollow ni KC Concepcion kina Kiko at Frankie Pangilinan

- Ayon daw sa isang source niya ay alam na alam ni Gabby ang tungkol sa dahilan ng pag-unfollow na ito ni KC

- Gayunpaman, sa ugali daw ni Gabby ay hindi ito makikialam at makikisali sa isyu

- Matatandaang naging usap-usapan ang pag-unfollow ni KC sa mag-amang Kiko at Frankie

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Natalakay nina Cristy Fermin at Rommel Chika ang tungkol sa unfollow issue ni KC Concepcion sa mag-amang Kiko at Frankie Pangilinan. Naging maingay daw lalo ang isyu nang magpost si Sharon Cuneta patungkol sa pagiging mabuting anak ni Frankie.

Gabby Concepcion, alam daw ang unfollow issue ni KC kina Kiko at Frankie Pangilinan
Gabby Concepcion, alam daw ang unfollow issue ni KC kina Kiko at Frankie Pangilinan (@kristinaconcepcion)
Source: Instagram

Sa naturang post ay ibinahagi ni Sharon ang kanyang saloobin sa pag-alis ni Kakie papuntang ibang bansa dahil sa kanyang pag-aaral.

Read also

KC sa Sharon-Gabby concert: "It's a show for other people but it's real life for me"

Ayon daw sa isang source ni Cristy ay alam na alam ni Gabby ang tungkol sa dahilan ng pag-unfollow na ito ni KC. Gayunpaman, sa ugali daw ni Gabby ay hindi ito makikialam at makikisali sa isyu.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si KC ang panganay na anak ni Sharon Cuneta sa dating asawang si Gabby Concepcion. Matapos maghiwalay ng kanyang mga magulang, kinilala niya ring ama si Senator Francis Pangilinan. Nagtapos siya ng bachelor's degree in International Corporate Communications with a minor in Theatre Arts sa American University of Paris.

Ibinahagi kamakailan ni KC sa kanyang vlog ang kwento kung paano sila muling nagkita at nagkausap ng ama niyang si Gabby Concepcion. Noong siyam na taong gulang siya, pumunta ng Amerika si Gabby at doon nagtrabaho. Naibahagi ni KC kung paano sila nagkausap noong siya 18th birthday niya. Marami ang naantig sa video na ito ni KC dahil sa kanyang pagmamahal sa kanyang ama.

Matapos nga niya ilabas ang video ng kwento tungkol sa muling pakikipag-ugnayan nila ng amang si Gabby, naibahagi ni KC ang kanyang pagmamahal at pasasalamat para naman sa kanyang stepfather na si Kiko Pangilinan na siyang tumayong pangalawang ama niya. Aniya ay sobra niyang naapreciate ang kanyang stepfather at pinakita pa nito ang pearl necklace na natanggap niya mula dito nang magpakasal sila ni Sharon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel