Piolo Pascual, sa mga kaibigang sinusubok ang relasyon: "I don't want to intrude"

Piolo Pascual, sa mga kaibigang sinusubok ang relasyon: "I don't want to intrude"

- Nahingan ni Ogie Diaz ng pahayag si Piolo Pascual patungkol sa mga kaibigang sinusubok ang relasyon

- Ilan na rito ay sina Bea Alonzo at Dominic Roque, gayundin sina Sam Milby at Catriona Gray

- Naikwento ni Piolo na kailanma'y hindi siya nanghimasok sa mga ito

- Subalit siniguro niya na kasama umano ang mga kaibigang ito sa kanyang panalangin at sinisigurong may oras siya sa mga ito

Nakapagbigay ng pahayag si Piolo Pascual patungkol sa mga kaibigang sinusubok ang relasyon sa ngayon.

Piolo Pascual, sa mga kaibigang sinusubok ang relasyon: "I don't want to intrude"
Piolo Pascual (@piolo_pascual)
Source: Facebook

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, nailabas ni Piolo ang kanyang saloobin patungkol sa dinaranas umano ng kanyang mga kaibigan tulad nina Bea Alonzo at Dominic Roque, Sam Milby at Catriona Gray.

"It's a small circle. Hindi siya nakakatuwa. You feel bad for them. You feel bad for the situation.You feel bad because ang toxic nu'ng community. Ang toxic 'nung social media. Ang hirap. Kasi hindi alam ng tao 'yung pinagdadaanan ng isang taong hindi nag-aartista, eh"

Read also

Ogie, sa nasagap na 2022 pa umano sina Xian at Iris: "Baka magkaibigan lamang sila noon"

"Minsan umuuwi ako ng bahay, anak totoo ba ito sabi ng mommy ko, sa mga pinapanood ko... I don't know! I don't get into details. Hindi ko tinatanong 'yung detalye para ikwento sa ibang tao. Ba't mas interesado kayo? Du'n ako nalulungkot.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Hindi nila alam yung pinagdaraanan ng mga tao, 'tong mga kaibigan ko, mahirap. It's easier said than done. Sana maging busy yung tao sa pamba-bash. Kasi ako, pumapatol ako sa ganyan dati. Ngayon, umabot ako sa point na hindi nalang ako magbabasa talaga."
"And that's the first thing I told Bea... But you pray for them and you spend time with them."
"I don't want to intrude. If they ask for your advice, youre prayers, we really give it to them. Pero hindi ako yung tipo ng tao na mangingialam. You're there for them as a friend."

Read also

Gary V, sa kanyang 'One Last Time' concert: "Hindi pa ako magre-retire"

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Piolo mula sa Ogie Diaz Inspires YouTube channel:

Si Piolo Jose Nonato Pascual ay isang actor, singer, model, at producer sa bansa. Kabila-kabila ang mga pelikula niyang pumatok sa takilya tulad nang 'Breakup Playlist' kung saan kasama niya si Sarah Geronimo at 'Starting Over Again' kung saan nakapareha naman niya si Toni Gonzaga.

Samantala, matatandaang minsan nang napabalitang exclusively dating noon sina Shaina at Piolo Pascual. Subalit sa panayam ni Ogie Diaz kay Piolo noong Hunyo ng nakaraang taon, nabanggit nitong ilang taon na siyang siyang single at hindi pa umano handang pumasok muli sa isang relasyon.

Nasabi rin niyang, hindi niya prayoridad ngayon ang pakikipagrelasyon lalo na ang paglagay sa tahimik dahil sa dami ng pwede pa niya umanong gawin. Matatandaang pinasok na rin ni Piolo ang mundo ng teatro na para sa kanya, isa umano itong panibagong karangalan gayung mahal niya talaga ang pag-arte. Matatandaang isa ang kanyang pelikulang 'Mallari' sa naging kalahok sa 2023 Metro Manila Film festival.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel