Gary V, sa kanyang 'One Last Time' concert: "Hindi pa ako magre-retire"

Gary V, sa kanyang 'One Last Time' concert: "Hindi pa ako magre-retire"

- Nilinaw ni Gary Valenciano na hindi pa umano siya magre-retire sa industriya ng showbiz

- Ito ay matapos na maging kontrobersyal ng title ng kanyang concert sa darating na Abril

- Aniya, hangga't tumitibok pa ang kanyang puso, patuloy pa rin ang kanyang pagtatanghal

- Ipinaliwanag lang ng nag-iisang Mr. Pure Energy ang magiging pagkakaiba ng mga susunod niyang gagawing shows

Binigyang linaw ni Gary Valenciano ang mga lumalabas na haka-hakang magreretiro na umano siya sa showbiz.

Gary V, sa kanyang 'One Last Time' concert: "Hindi pa ako magre-retire"
Gary Valenciano (Ogie Diaz YouTube)
Source: Youtube

Ito ay matapos na lumabas ang poster ng kanyang 'One Last Time' concert na gaganapin sa Abril 26 and 27, 2024 sa SM Moa Arena.

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, isa ito sa mga ipinaliwanag ng nag-iisang Mr. Pure Energy.

"Alam mo itong title na Pure Energy... Wow! Pero 'yung nakitang 'One Last Time', alam ko maraming nagtatanong, 'Ha? Hindi na siya magpe-perform, magre-retire na?"

Read also

Direk Bibeth Orteza, emosyonal na inalala ang kaibigang si Jaclyn Jose

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"I did not say I was going to retire. I think 'pag yan ang ginawa ko, pati si Lord magsasabi na wait, anak hindi mo pa panahon mag-retire. Kasi binabanggit ko pa rin sa tao basta't tumitibok parin ang pusong 'to, tuloy tuloy pa rin. Gagawin ko at gagawin ko ang lahat ng kailangan kong gawin until this heart no longer beats," paglilinaw ni Gary V.

Gayunpaman, aminado siyang malaking pagbabago ang magaganap sa mga susunod na performances niya ngayong 59 anyos na siya.

"But at this age, I think it's time. That I will move on to continue with my music but maybe in smaller venues."
"Is it gonna be the end? No. but it will be the end of something. It will be an end of a chapter. It won't be the end of a book. Then you'll open up new chapters."

Read also

Jake Ejercito, nag-post ng throwback photo ni Ellie at lola nitong si Jaclyn Jose

Bukas din umano siya sa mga collaboration shows sa ibang mga artists tulad nina Bamboo, Sarah Geronimo at Julie Ann San Jose.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Ogie Diaz ay isa sa mga kilalang showbiz reporter sa bansa. Isa rin siyang mahusay na komedyante at popular na host ng kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Inspires at Ogie Diaz Showbiz Update.

Kamakailan, tinagurian ng netizens si Ogie Diaz bilang patron ng mga naghihiwalay. Dahil umano ito sa mga naibabahagi niya sa kanyang Showbiz Update YouTube channel kung saan makailang beses siyang nagbahagi ng mga espekulasayon ng hiwalayan ng ilang kilalang showbiz couples na kalaunan ay nakukumpirmang totoo.

Samantala, isa rin sa mga hindi malilimutang interview sa kanyang Ogie Diaz Inspires channel ay nang makapanayam niya ang yumaong Cannes best actress na si Jaclyn Jose. Marami ang naantig sa naturang panayam gayung marami umanong aral at inspirasyon ang makukuha rito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel