Jake Ejercito, nag-post ng throwback photo ni Ellie at lola nitong si Jaclyn Jose

Jake Ejercito, nag-post ng throwback photo ni Ellie at lola nitong si Jaclyn Jose

- Nagbahagi si Jake Ejercito ng larawan ni Ellie kasama ang lola nitong si Jaclyn Jose

- Gumulantang sa publiko ang pagpanaw ni Jaclyn, Marso 3 ng gabi

- Agad na naglabas ng pahayag ang anak nitong si Andi isang araw matapos ang pagpanaw ng ina

- Emosyonal nitong kinumpirma na myocardial infarction o atake sa puso ang ikinamatay nito

Ibinahagi ni Jake Ejercito ang isa sa maituturing na ngayong sweet memory ng anak niyang si Ellie kasama ang lola nitong si Jaclyn Jose.

Jake Ejercito, nag-post ng throwback photo ni Ellie at lola nitong si Jaclyn Jose
Jake Ejercito (Jake Ejercito Facebook)
Source: Facebook

Kalakip ng naturang larawan ang 'broken heart' emoji kaugnay umano sa pagpanaw ng batikan at respetadong aktres na si Jaclyn.

Matatandaang gumulantang ang balitang namayapa na ito, Marso 3 ng gabi.

Inulan din ng pakikiramay ang post na ito ni Jake at aminado ang marami na sila man ay nagulat sa biglaang pagpanaw ng aktres.

Read also

Ogie D, nais mapanood muli si Andrea B sa teleserye: "Napakahusay umarte 'nung bata"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang ilan sa komento ng mga netizens:

"Nakaka-heartbreak naman talaga. Kay Ellie, lalo na kay Andi"
"Gone too soon. Marami pa sana siyang projects na pwedeng gawin"
"She will always be remembered. Isa sa siya sa magagaling na artista talaga"
"Condolences. Heartbreaking ito for Ellie. Hugs for her"
"We love you Ms. Jaclyn. Rest in Peace."

Si Juan Emilio Ejercito o mas kilala sa screen name niya bilang si Jake Ejercito ay anak ni dating pangulong Joseph Estrada at ni Laarni Enriquez. Siya ang ama ng panganay na anak ni Andi Eigenmann na si Ellie Ejercito. Naging bahagi siya ng ilang mga serye kagaya ng Marry Me Marry You. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Coming Home (2020), Pamilya (2018) at Mansyon (2017.) Ngayon, isa sa mga proyektong kinabilangan ni Jake ang 'Linlang' maging sa Can't Buy Me Love.

Read also

Jake kay Philmar bilang stepdad ng kanyang anak: "I'm sure inaalagaan niya rin si Ellie"

Samantala, gumulantang naman sa publiko ang biglaang pagpanaw ng batikan at respetadong aktres na si Jaclyn Jose noong Marso 3 ng gabi.

Makalipas ang wala pang 24 oras matapos itong pumanaw, nagpaunlak ang anak nitong si Andi Eigemenmann ng maiksing press con upang kumpirmahin ang pagpanaw ng ina dahil sa myocardial infarction o atake sa puso. Hiling din niya respeto sa pagluluksa ng kanilang pamilya sa pagpanaw na ito ng kanyang ina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel