Ogie D, nais mapanood muli si Andrea B sa teleserye: "Napakahusay umarte 'nung bata"

Ogie D, nais mapanood muli si Andrea B sa teleserye: "Napakahusay umarte 'nung bata"

- Napuri ni Ogie Diaz ang husay sa pag-arte ni Andrea Brillantes

- Katunayan, nais daw ni Ogie na muling mapanood si Andrea sa isang teleserye

- Sana'y mabigyan pa raw umano si Andrea ng magagandang role

- Lalo na't kapansin-pansin ang pagbibigay buhay niya sa karakter na nabibigay sa kanya

Napuri ni Ogie Diaz ang acting skills ni Andrea Brillantes.

Ogie D, nais mapanood muli si Andrea B sa teleserye: "Napakahusay umarte 'nung bata"
Andrea Brillantes Facebook
Source: Facebook

Napag-usapan nina Ogie sa YouTube channel niyang Showbiz Now Na! dahil sa nag-viral na larawan nito kasama ang idolo raw niyang si Rico Blanco.

Sa kabila ng batikos ng netizens kay Andrea sa naturang larawan, napag-usapan naman nina Ogie ang pagiging mahusay na aktres ni Blythe.

"Sa totoo lang ah... Ang gusto kong mapanood ulit si Andrea sa isang teleserye. Napakahusay umarte 'nung bata. Medyo nabitin ako sa kanya sa Senior High," ani Ogie.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Mama Loi sa kasal nina Sam at Catriona: "Nag-postponed hindi nag-cancel"

"Dapat mabigyan ulit siya ng magandang role," dagdag pa niya.

Paliwanag ni Ogie, mahusay si Andrea sa pagbibigay buhay sa karakter nito sa kada proyektong binibigay sa kanya.

"Kasi 'pag si Andrea umaarte, ang galing! Hindi siya si Andrea kundi, siya 'yung character"

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie patungkol kay Andrea:

Si Andrea Brillantes ay isang Filipina actress na unang nakilala bilang isang child star at patuloy ang pag-usbong ng career hanggang ngayon. Mas lalo siyang nakilala at napatunayan ang husay sa pag-arte nang gampanan niya ang karakter ni 'Marga' sa sumikat na afternoon teleserye ang “Kadenang Ginto.” Ngayon, umani rin siya ng papupri sa husay ng pagganap niya sa dalawang karakter sa Senior High.

Kamakailan, nabanggit ni Cristy Fermin na umano'y naaawa siya kay Andrea Brillantes dahil sa kung ano-ano na ang bansag sa kanya ng publiko.

Matatandaang ipinagtanggol pa ni Cristy Fermin si Andrea na siyang naiuugnay 'di umano sa hiwalayan ng Kathniel. Tila nakiusap siya sa publiko na sana'y huwag nang idamay pa si Blythe sa isyu.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel