Jake kay Philmar bilang stepdad ng kanyang anak: "I'm sure inaalagaan niya rin si Ellie"

Jake kay Philmar bilang stepdad ng kanyang anak: "I'm sure inaalagaan niya rin si Ellie"

- Thankful umano si Jake Ejercito kay Philmar Alipayo bilang stepdad ng kanyang anak na si Ellie

- Nilarawan niya itong kind and courteous at wala umanong reklamo si Ellie sa stepdad

- Alam umano niyang inaalagaan din ni Philmar ang kanyang anak kaya naman labis niya itong pinagpapasalamat

- Aniya, wala umano silang problema ni Andi Eigenmann lalong-lalo na sa pag-aalaga at pagpapalaki sa anak nilang si Ellie

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, nasabi ni Jake Ejercito kung gaano siya nagpapasalamat kay Philmar Alipayo.

Jake kay Philmar bilang stepdad ng kanyang anak: "I'm sure inaalagaan niya rin si Ellie"
Jake Ejercito with daughter Ellie (@unoemilio)
Source: Instagram

Si Philmar ang stepdad ni Ellie, ang anak nina Jake at Andi Eigenmann.

"Si Philmar, I've met him a several times pag pumupunta ako sa Siargao."
"He's been kind, courteous... Thankful lang din ako sa kanya kasi syempre si Ellie Nakatira sa bahay nila di ba? And as a stepfather, I'm sure inaalagaan niya rin si Ellie. Wala namang reklamo si Ellie sa akin about him. So, very grateful ako na ganu'n. Hindi ko siya iniisip or pino-problema," ani Jake.

Read also

Jake Ejercito, nang ma-impeach noon ang amang si Erap: "Naaalala ko lang pinagrorosaryo ako"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Tiwala umano siyang naaalagaan din ni Philmar si Ellie at labis niya itong pinagpapasalamat.

"So I'm sure that Ellie is in good hands kay Philmar and for that, nagpapasalamat ako talaga"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Juan Emilio Ejercito o mas kilala sa screen name niya bilang si Jake Ejercito ay anak ni dating pangulong Joseph Estrada at ni Laarni Enriquez. Siya ang ama ng panganay na anak ni Andi Eigenmann na si Ellie Ejercito. Naging bahagi siya ng ilang mga serye kagaya ng Marry Me Marry You. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Coming Home (2020), Pamilya (2018) at Mansyon (2017.)

Maayos ang co-parenting nina Jake at Andi sa kabila ng pagkakaroon ng sariling pamilya ni Andi na nakatakda nang ikasal kay Philmar Alipayo na ama ng dalawang anak niya. Kamakailan ay nabanggit ni Jake na naapektuhan si Ellie sa sigalot sa pagitan ng kanyang mga magulang noon. Sa kasalukuyan ay maayos na ang kanilang relasyon bilang magulang kay Ellie. Sa katunayan, tinawag ni Jake na "MVP" si Andi kamakailan.

Read also

Sarah Lahbati, diretsahang inamin na single na sila ni Richard Gutierrez

Naibahagi din ni Jake ang isang lumang picture ni Andi Eigenmann na kuha sa dinner date nila noong 2013 noong sila pa ang magkarelasyon. Binahagi niya rin ang picture ni Ellie na kagaya ng pagkakakuha ng picture ni Andi na kalahati lang ng kanyang mukha ang kita. Marami naman ang natuwa sa binahaging ito ni Jake dahil kahit hindi na sila ni Andi ay naibabahagi pa rin nito ang picture ng ex. Sa kasalukuyan ay maayos na ang kanilang relasyon sa pagiging co-parents sa anak nilang si Ellie.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel