Sarah Lahbati, diretsahang inamin na single na sila ni Richard Gutierrez

Sarah Lahbati, diretsahang inamin na single na sila ni Richard Gutierrez

- Kinumpirma ni Sarah Lahbati na single na siya maging ang asawa nitong si Richard Gutierrez

- Ito ay matapos ang kanyang matagal na pananahimik tungkol sa isyung hiwalay na sila

- Magsalita man sa mga panayam ay naging matipid ang mga pahayag nila ni Richard simula nang lumabas ang balita tungkol sa kanilang paghihiwalay

- Matatandaang nabanggit din ni Sarah na co-parenting sila ni Richard sa kanilang mga anak pero hindi daw sila nakakapag-usap

Kinumpirma ni Sarah Lahbati sa unang pagkakataon sa panayam ni MJ Felipe na single na siya, maging si Richard Gutierrez. Ito ay matapos ang matagal na panahong hindi siya nagsasalita tungkol sa hiwalayan nila.

Sarah Lahbati, diretsahang inamin na single na sila ni Richard Gutierrez
Sarah Lahbati, diretsahang inamin na single na sila ni Richard Gutierrez
Source: Instagram

Tinanong siya ni MJ kung single na daw ba siya. Hindi ito pinagkaila ni Sarah at maging ang kanyang ex na si Richard.

Yeah, I mean there's nothing to hide and I think it's pretty clear to the public. Both of us are. I think.

Read also

Jake Ejercito, nang ma-impeach noon ang amang si Erap: "Naaalala ko lang pinagrorosaryo ako"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kabila ng mga lumabas na balita ay hindi nagsasalita sina Richard at Sarah kaugnay dito. Gayunpaman, sa pagbabalik showbiz ni Sarah ay hindi na nito ipinagkaila ang kanilang sitwasyon. Matatandaang nabanggit din ni Sarah na co-parenting sila ni Richard sa kanilang mga anak pero hindi daw sila nakakapag-usap.

Si Sarah Lahbati ay isang Filipina-Moroccan actress at isang modelo. Ipinanganak noong Oktubre 9, 1993, siya ay nakilala sa kanyang mga pagganap sa mga teleserye at pelikula sa Pilipinas. Naging bahagi si Sarah ng mga finalists sa reality show na "StarStruck" ng GMA Network noong 2009.

Matatandaang nanatiling tahimik si Sarah kaugnay sa isyung hiwalay na raw sila ng asawang si Richard Gutierrez. Ito ay sa kabila ng pagsasalita ni Annabelle Rama sa isang panayam ni MJ Felipe. Sa kanyang post ay pinakita ni Sarah ang kanyang bagong sasakyan habang nakasuot ng kanyang tennis attire. Ito umano ang kanyang mga bagong passion, ang paglalaro ng tennis at mga sasakyan.

Binahagi ni Sarah sa kanyang post ang kanyang throwback picture. Sa kanyang picture ay makikita ang date stamp na kuha noong 1996. Ilan sa mga netizens ang nakapansin na kamukha daw ni Zion si Sarah noong bata pa siya. Sinagot ito ni Sarah ng smiling emoji bilang pagsang-ayon sa komento ng netizen.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel