Ogie D sa new pic nina James at Liza: "Dapat linawin ng Careless kung nasa kanila pa si Liza"

Ogie D sa new pic nina James at Liza: "Dapat linawin ng Careless kung nasa kanila pa si Liza"

- Nag-post ang Careless management PH ng larawan nina James Reid at Liza Soberano na magkasama

- Ito ay matapos mapabalitang tila hindi na ang Careless ph ang nangangalaga ng career ni Liza

- Ani Ogie, dapat linawin ng Careless kung nasa kanila pang pangangalaga si Liza

- Isa umano kasing Hollywood friend ni Ogie ang nakapagsabing si Liza ay nasa pangangalaga na ng Authentic Talent Literary Management na pawang Asians ang mga hawak na talent

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabigyang komento nina Ogie Diaz sa Ogie Diaz Showbiz Update ang larawang naibahagi ng Careless Management PH kung saan magkasama si James Reid at Liza Soberano.

Ogie D sa new pic nina James at Liza: "Dapat linawin ng Careless kung nasa kanila pa si Liza"
James Reid and Liza Soberano (@carelessph)
Source: Instagram

Matatandaang kamakailan lamang, naibahagi nina Ogie sa kanilang channel na isa umanong Hollywood friend niya ang nagsabing tila wala na umano si Liza sa pangangalaga ng Careless.

Read also

Ogie D sa buradong post ng ama ni Liza Soberano na umano'y puro mura: "Daddy 'wag ako"

"Meron akong friend from Hollywood. Na sinabi sa akin na yung kanyang source ay nagsabi sa kanya na si Liza raw ay naka-sign na sa Authentic Talent Literary Management managed by Kyle Pak who manages simu Liu and mostly asian actors daw. Ito raw Authentic Talent Literary Management ang nagrerepresent kay Liza sa Holywood. Kung totoo 'to ha. 'Di naman namin ito kino-confirm. Ito lang din yung nakarating sa aking friend from Hollywood."

Kaya naman sa paglabas ng larawan nina James at Liza, tila isa umano itong indikasyon na ang Careless PH pa rin umano ang nagma-manage kay Liza.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Dapat linawin na rin yan ng Careless kung nasa kanila pa si Liza. Kasi pwede namang, kunwari lang nagtapos o nag-end up yung kanilang manager-talent relationship na magkaibigan pa rin sila, pwede pa rin silang maging magkatrabaho 'di ba? Kaya mas maganda kung linawin 'yan ng Careless kung nasa inyo pa ba si Liza o wala na sa inyo.' Yan ang ating iintayin," pahayag ni Ogie.

Read also

Vic Sotto: "Bali-baliktarin man ang mundo, ito ang Eat Bulaga"

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:

Si Liza Soberano na ngayo'y tinatawag din bilang si Hope Soberano ay isang Filipina model at actress na sumusubok ngayon ng kapalaran niya sa Amerika partikular na sa Hollywood. Sampung taon din namayagpag ang kanyang career sa Pilipinas kung saan naging ka-love team niya ang kanyang boyfriend na si Enrique Gil.

Nang matapos ang kontrata sa dating manager na si Ogie Diaz, naging kontrobersyal ang pagpasok sa bagong yugto ng kanyang showbiz career nang ilabas niya ang kanyang 'This is me' vlog na naglalaman ng mga rebelasyon. Sinundan pa ito ng kabi-kabilang interviews na lalong nagpaigting sa mga bagay-bagay na umano'y naisiwalat ni Liza.

Kamakailan, muling gumawa ng ingay si Liza online dahil sa tawag sa kanya ni Dra. Vicki Belo nang maging panauhin siya nito sa kanyang vlog. Sa halip na Liza, "Hope" ang tawag nito sa kanya. Inakala tuloy umano ng marami na tuluyan nang 'Hope' ang ginagamit na pangalan ng aktres.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel