Ogie D sa buradong post ng ama ni Liza Soberano na umano'y puro mura: "Daddy 'wag ako"

Ogie D sa buradong post ng ama ni Liza Soberano na umano'y puro mura: "Daddy 'wag ako"

- Naglabas ng pahayag si Ogie Diaz kaugnay sa umano'y buradong post ng ama ni Liza Soberano

- Sa naturang post, minura 'di umano ng ama ni Liza sina Cristy Fermin at OG D, na ang tinutukoy daw ay si Ogie Diaz

- Nagbanta pa umano ito na mag-live na tila may isisiwalat umano tungkol kay Ogie

- Si Ogie Diaz ang naging manager ni Liza Soberano sa loob ng sampung taon bago ito napunta sa management ng grupo nina James Reid

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tinalakay nina Ogie Diaz, Mama Loi at Ate Mrena sa bagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update ang tungkol sa umano'y buradong post ng ama ni Liza Soberano na si John Soberano.

Ogie D sa buradong post ng ama ni Liza Soberano na umano'y puro muna: "Daddy 'wag ako"
Liza Soberano and Daddy John Soberano (John C. Sober)
Source: Facebook

Sa naturang post, makikitang minura umano ni John sina Cristy Fermin at "OG D" na mismong sinabi ni Ogie na siya ang tinutukoy nito.

Read also

Cristy Fermin, naaawa kay Blythe: "Kung ano-ano ang bansag kay Andrea Brillantes"

Pagtataka ni Ogie, bakit ito nagagawa ng ama ni Liza na hindi naman napag-uusapan ngayon ang anak.

"'Pinakialaman namin buhay niyo Daddy recently? Ang pinag-uusapan na ngayon at pinag-uusapan ng buong mundo ay 'yung pagtatapos ng relasyon ng Kathniel. Asan ka doon? Asan ang anak mo 'dun? Ikaw magsabi asaan?"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagbanta pa umanong magla-live si John na animo'y may isisiwalat ukol kay Ogie subalit hindi naman ito natuloy.

"Ba't siya magla-live, ito nga binura niya e. 'yung kanyang announcement na siya ay magla-live"
"Ako wala akong dapat ikatakot kung anoman 'yang ila-live mo. Hihintayin ko yung pagla-live mo Daddy John at intayin mo rin 'yung aking sagot sa magiging live mo... 'Dun lang ako dedepende."

Direkta na ring nagbigay ng mensahe si Ogie sa ama ni Liza na sana'y pag-usapan na lamang nila ang kung anumang hinaing nito sa kanya lalo na at naging alaga naman ni Ogie sa loob ng isang dekada ang anak ni John.

Read also

Cristy sa hiwalayan ng Kathniel: "September, si Daniel pabalik-balik daw na umiiyak"

"Diyos ko Daddy, ang dali mo namang makalimot. Mag-iisa-isa ba tayo, mag-e-enumerate ba tayo ng nagawa nating kabayanihan sa isa't isa? Gusto mo ba ganun? Edi isama mo yan sa life mo."
"'Di naman ikaw ang nakatrabaho ko. 'Di naman ikaw yung inalagaan ko."
"Unang-una daddy, gusto ko kayong ibalik sa nakaraan... Si Liza lang talaga ang nagtaguyod sa inyo. Ikikwento ko pa ba 'yung mga sinabi ni Liza noong araw?"

Hindi rin umano nito nagagawang magpasalamat gayung patuloy ang promotion nina Ogie sa pelikula ni Liza na Liza Frankenstein kahit wala na ito sa poder niya.

"Ni hindi ka nga marunong magpasalamat. I'm sure nakakarating naman sayo 'yung pagusporta namin sa pelikula ni Liza kahit wala na sa akin"
"Minsan sinusumbat ko yun pero para maggaganito ka, aba! sandali lang. Marami kaming nasasabi na magaganda tungkol kay Liza, ano? May post ka ba ng pasasalamat?"
"Daddy 'wag ako. Kasi kung may alam ka tungkol sa'kin, mas marami akong alam tungkol sa'yo. Kung gusto mo lang na magbulatlatan tayo dito."

Read also

Cristy Fermin: "Hindi na kinaya ni Mavy ang pagiging selosa, insecure ni Kyline Alcantara"

"Kung gusto mo akong kausapin Daddy, pwede mo akong kausapin. Bakit ang hindi? Open na open ang aking linya ng komunikasyon. Kung may mga sama ka ng loob sa akin, sabihin mo. Baka malay mo nga tama ka. Edi ihingi ko ng sorry. Kung hindi naman, at wala kang punto sa mga kinukuda mo, sandali lang. O 'di marami akong lilinawin sa'yo."

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie:

Si Liza Soberano na ngayo'y tinatawag din bilang si Hope Soberano ay isang Filipina model at actress na sumusubok ngayon ng kapalaran niya sa Amerika partikular na sa Hollywood. Sampung taon din namayagpag ang kanyang career sa Pilipinas kung saan naging ka-love team niya ang kanyang boyfriend na si Enrique Gil.

Nang matapos ang kontrata sa dating manager na si Ogie Diaz, naging kontrobersyal ang pagpasok sa bagong yugto ng kanyang showbiz career nang ilabas niya ang kanyang 'This is me' vlog na naglalaman ng mga rebelasyon. Sinundan pa ito ng kabi-kabilang interviews na lalong nagpaigting sa mga bagay-bagay na umano'y naisiwalat ni Liza.

Read also

Panayam kay Daniel ukol sa A Very Good Girl kung saan 'nobya' pa ang tawag niya kay Kathryn, viral

Kamakailan, muling gumawa ng ingay si Liza online dahil sa tawag sa kanya ni Dra. Vicki Belo nang maging panauhin siya nito sa kanyang vlog. Sa halip na Liza, "Hope" ang tawag nito sa kanya. Inakala tuloy umano ng marami na tuluyan nang 'Hope' ang ginagamit na pangalan ng aktres.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel