Kapatid ni Jaclyn Jose, ikinuwento ang nakitang 'green bone' matapos ma-cremate ang aktres
- Nakwento ng kapatid ng yumaong aktres na si Jaclyn Jose ang nakita nila matapos ma-cremate ang aktres
- Aniya, bihira itong makita sa mga taong na-cremate na at positibo umano ang pakahulugan nito
- Nilarawan din niya ang kabutihan ng kapatid, likas na mapagmahal lalo na lahat ng nakakahalubilo nito sa trabaho
- Aniya, mami-miss niya ang kapatid na hindi na niya mapapanood kailanman
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naikwento ni Veronica Jones, ang kapatid ng yumaong aktres na si Jaclyn Jose ang tungkol sa umano'y green bone na kanilang nakita.
Ito ay matapos na ma-cremate na si Jaclyn at sinasabing very rare na makakita nito sa taong naki-cremate.
"May sinasabi silang 'green bone'... Hindi lahat ng taong na-cremate meron 'nun. Very rare, nakita si Jane meron, ibig sabihin 'nun ay good heart."
Sinang-ayunan naman ito ng kanyang mga kasama gayung napakabuting tao umano ni Jaclyn na tinatawag nila sa tunay na pangalan nito na Jane.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
"Si Jane mapagmahal. Matinding magmahal. Down to earth. Maawain, napakabait na tao. Walang masamang tinapay. 'Yung maliliit, mas mahal niya 'yan. Crew, staff, ayaw niya yung mga ano pa-sosyal," paglalarawan ni Veronica sa kapatid.
"Mami-miss namin siya. Hindi na namin siya mapapanood. We love her!" dagdag pa niya.
Narito ang kabuang panayam kay Veronica ni Cherry Cornell ng ABS-CBN News:
Si Jaclyn Jose ay pinanganak noong October 21, 1963 bilang si Mary Jane Guck sa Angeles City, Pampanga. Siya ay kilala sa kanyang mahusay na pagganap sa iba't ibang mga pelikula at palabas sa telebisyon. Ilan sa kanyang mga natatanging pagganap ay nasa mga pelikulang "Santa Santita", "Saranggola", at "Ma'Rosa", kung saan siya ay nanalo ng mga prestihiyosong parangal sa industriya ng pelikulang Pilipino.
Gumulantang sa publiko ang pagpanaw ni Jaclyn noong Marso 3 ng gabi. Ilang oras matapos maglabasan sa balita ang pagkamatay ni Jaclyn, ay nagpaunlak ng maiksing presscon ang anak nitong si Andi Eigenmann. Doon, kinumpirma niya na myocardial infarction o atake sa puso ang ikinamatay ng kanyang 'nanay.'
Isa sa proyektong naiwan ngayon ni Jaclyn ay ang karakter nitong bilang si Dolores Espinas sa Batang Quiapo. Gayundin ang pelikula kung saan kasama rin nila sana ang yumaong aktor na si Ronaldo Valdez. Naikwento ito ni Ara Mina na bahagi rin ng naturang pelikulang hindi pa umano nila natapos.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh