OFW na surpresang umuwi para sa BF, umabot ng 1.5 million ang views ng kanilang video

OFW na surpresang umuwi para sa BF, umabot ng 1.5 million ang views ng kanilang video

- Hindi lang nagpadala ng surpresa ang isang OFW kundi siya mismo ang umuwi para i-congratulate ang kanyang nobyo

- Wala umanong ibang nakakaalam na siya ay paparating lalo na at kakauwi lamang niya noong Pebrero

- Kaya naman nang makita siya ng kanyang BF, halos ito makapaniwala at hindi nakasalita nang siya ay makita

- Umabot sa 1.5 million ang views ng kanilang nakakakilig na video

Hindi nagdalawang isip ang OFW na si Roselyn Parada para isurpresa ang kanyang nobyo na nais niyang i-congratulate.

OFW na umuwi para isurpresa ang BF at pamilya nito, umabot ng 1.5 millin ang views ng kanilang video
OFW Roselyn at ang surpresa sa kanyang nobyo (BFC FLowers and Gift)
Source: Facebook

Sa video na ibinahagi ng BFC FLowers and Gift, makikitang mula pa mismo sa airport at dumiretso na agad si Roselyn sa kinaroroonan ng kanyang BF.

Apat na taon na umano sila at masasabing lalo nang pinagtitibay ng panahon ang kanilang pagsasama kahit na siya ay nasa abroad.

Nang makarating sa lugar ng lalake, inakala nitong isang car trunk surprise lang ang magaganap.

Read also

Mama Loi sa kasal nina Sam at Catriona: "Nag-postponed hindi nag-cancel"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Makikita roon na todo effort ang mga regalo ni Roselyn sa nobyo na walang kaalam-alam na naroon din siya sa loob ngsasakyan.

At nang buksan na nga ang sasakyan, halos hindi makapaniwala ang lalake nang makita niyang naroon si Roselyn.

Mapapansing tila hindi nakasalita ang lalake bago pa tuluyang nayakap ang kanyang nobya.

Samantala, narito ang ilang komento ng netizens:

"Sana all, pwede umuwi para mag-surprise"
"Kuya, wag mo na yan pakawalan. Napakaswerte mo po"
"Ang sweet naman. Tapos 4 years na sila ah."
"Napansin niyo? Pangalan nung girl yung asa jersey nung lalake. Ang sweet"

Narito ang kabuuan ng video:

Kahit nasa malayo, maraming paraan ang naiisip ng mga kababayan nating OFW upang mapasaya ang mga naiwan nilang mahal sa buhay sa Pilipinas. Isa na rito ang isang anak na OFW na pinadalhan din ng money bouquet ang kanyang ama na noo'y nagdiriwang ng ika-60 na kaarawan nito. At dahil 60 na ito, ₱60,000 ang perang nasa bouquet na labis namang ikinatuwa at ipinagpasalamat ng ama sa anak.

Read also

Morissette Amon, nag-react sa blind item: "I gave my all"

Samantala, isang overseas Filipino worker na anak ang sumurpresa sa kanyang ina ng isang bonggang money bouquet.Napa-sana all din ang mga netizens nang makita ang post ng Gifts4everyJUAN kung saan, isang bouquet ng pera na nagkakahalaga ng ₱400,000 na maayos na nakatupi upang maging disenyong bulaklak.

Bukod sa limpak-limpak na salapi, ilang piraso ng malalaking tipak ng chocolates ang kasama ng bouquet. Kwento pa ng Gifts4everyJUAN kung saan ipinagawa ang bouquet, isang taong pinag-ipunan daw ito ng anak na nais talagang masurpresa ang pinakamamahal na ina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel