Morissette Amon, nag-react sa blind item: "I gave my all"

Morissette Amon, nag-react sa blind item: "I gave my all"

- Minabuti ni Morissette Amon na magsalita kaugnay sa isang blind item tungkol sa isang singer na ayon sa nag-post na direktor ay tinatawag ding 'phoenix'

- Ayon kay Morissette, wala sana siyang balak na magsalita tungkol dito ngunit aniya ay unfair lang na nakakatanggap siya ng pangbabatikos nang hindi niya naihahayag ang kanyang panig

- Hindi niya raw maintindihan kung bakit nag-abala ang nag-post ng blind item na ito gayong hindi naman daw niya ito kilala

- Paliwanag ng mang-aawit, kahit masama ang kanyang pakiramdam ay pinilit niyang magtanghal sa event

Umalma si Morissette Amon sa blind item na naging mitsa ng mga pangbabatikos sa kanya. Paliwanag niya, may sakit siya noong araw na iyon pero binigay naman daw niya ang kanyang makakaya.

Morisette Amon, nag-react sa blind item: "I gave my all"
Morisette Amon, nag-react sa blind item: "I gave my all"
Source: Instagram

Hindi na raw sana siya magsasalita tungkol dito ngunit aniya ay unfair lang na husgahan siya ng mga tao kahit hindi pa niya nailalabas ang kanyang panig.

Read also

Ogie Diaz, nagbalik-tanaw sa panayam kay Jaclyn Jose: "Di ko makakalimutan ang mga kwento mo"

Hindi niya raw kilala ang taong nag-post na diumano ay direktor ng event kung saan siya nagperform kaya hindi daw niya maintindihan kung bakit nag-abala itong mag-post.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Johanne Morissette Daug Amon, o mas kilala sa kanyang stage name, na Morissette ay isang kilalang singer hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba't-ibang panig ng mundo matapos maging usap-usapan ang mahusay niyang pagkanta. Una siyang nakilala nang sumali siya sa Star Factor ng TV-5 sa edad na 14.

Matatandaang isinapubliko ni Morissette ang kanyang pagpapakasal kay Dave Lamar. Sa kanyang pagbabahagi ng balita tungkol sa kanilang pag-iisang dibdib ay nakatanggap ng maraming pagbati ang mang-aawit. Nagbahagi din siya ng kanyang mensahe sa asawa kung saan inihayag niya ang pagmamahal niya dito. Naibahagi din ng Nice Print Photography ang ilan sa mga pictures na kuha sa kanilang pagpapakasal.

Sa kanyang pag-guest sa Magandang Buhay, naibahagi ni Morissette ang ilang detalye kaugnay sa pagpapapakasal nila ni Dave. Aniya, tinago niya muna ang kanilang pagpapakasal dahil gusto umano niya ng pribadong seremonya upang ma-enjoy umano nilang mag-asawa at ng kanilang mga mahal sa buhay. Sa naturang guesting ay naibahagi niyang hindi pa sila nakakapag-honeymoon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel