Anak na OFW, sinurpresa ang ina ng money bouquet na may halagang ₱400,000

Anak na OFW, sinurpresa ang ina ng money bouquet na may halagang ₱400,000

- Bongga ang regalo ng isang OFW sa kanyang ina dahil ₱400,000 ang nilaan niya para sa money bouquet nitong surpresa

- Pinag-ipunan daw talaga ito ng anak upang masigurong magiging masaya ang ina na nasa Pilipinas

- Bukod sa pera, mayroon pang mga chocolates na kasama ang money bouquet na halos mas mataas na sa taong magde-deliver nito sa dami ng perang nakalakip

- Hindi na lamang nagpakilala ang OFW para sa kanyang seguridad at seguridad ng kanyang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Anak na OFW, sinurpresa ang ina ng money bouquet na may halagang ₱400,000

Photo from Gifts4everyJUAN's Facebook
Source: Facebook

Isang overseas Filipino worker na anak ang sumurpresa sa kanyang ina ng isang bonggang money bouquet.

Napa-sana all ang mga netizens nang makita ang post ng Gifts4everyJUAN kung saan, isang bouquet ng pera na nagkakahalaga ng ₱400,000 ang nakalakip dito.

Bukod sa limpak-limpak na salapi, ilang piraso ng malalaking tipak ng chocolates ang kasama ng bouquet.

Delivery rider na kumakain lamang sa gilid ng kalsada, umantig sa puso ng netizens

Kwento pa ng Gifts4everyJUAN, isang taong pinag-ipunan daw ito ng anak na nais talagang masurpresa ang pinakamamahal na ina.

Kapansin-pansin talaga ang bouquet na mas mataas pa sa mga magde-deliver nito.

Tiyak na matutuwa ang ina na makatatanggap nito dahil sa kakaibang surpresang nilaan sa kanya ng kanyang anak.

Subalit para masiguro ang seguridad niya at ng ina, hindi na lamang nagpakilala ang OFW.

Ang mahalaga ay napasaya niya ang kanyang ina sa espesyal na araw nito at naipadama niya ang pagpapahalaga niya para rito.

Samantala, namangha naman ang maraming netizens sa viral post na ito. Nakakabilib daw ang sakripisyo ng anak para sa ina kahit malayo ito sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sana all may ganyang anak kasi sa panahon ngayon iilan nalng ang mga anak na magawa ng ganyan"
Bride, tinakasan ng groom isang araw bago ang kanilang kasal
"Sure na happy ang mommy mo po, mabuhay po kayo! deserve po niya yan!"
"Ang sweet naman, talagang pinag-ipunan ng anak para lang mapasaya ang kanyang nanay"
"Na-imagine ko itsura ng mommy niya pag nakita ito, ang swerte lang niya"
"Mahusay ang pagpapalaki ng ina sa kanyang anak kaya naman ganito siya kamahal nito."
"Doon tayo sa isang taong pinag-ipunan. Wow! lucky mommy kasi mayroon siyang ganoong klaseng anak"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, ay naiulat din ng KAMI ang isang anak na OFW na pinadalhan din ng money bouquet ang kanyang ama na noo'y nagdiriwang ng ika-60 na kaarawan nito.

At dahil 60 na siya, ₱60,000 ang perang nasa bouquet na labis namang ikinatuwa at ipinagpasalamat ng ama sa anak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel