Piolo, wala pa rin umanong oras para sa love life: "I've been single for so many years"

Piolo, wala pa rin umanong oras para sa love life: "I've been single for so many years"

- Matagal-tagal na rin umanong single ang aktor na si Piolo Pascual na nilarawan ang kanyang career sa pag-aartista bilang kanyang asawa

- Aniya, busy siya hanggang ngayon at tila nasanay nang mamuhay nang walang ka-partner

- Gayunpaman, hindi naman niya isinasara ang ideya na pagkakaroon ng sarili niyang pamilya

- Subalit hindi pa raw niya ito nakikita anumang oras sa ngayon sa dami na rin ng kanyang commitment sa trabaho

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tila na-enjoy na umano ni Piolo Pascual ang pagiging single at hanggang ngayon, wala pa rin umanong nagpapatibok sa kanyang puso.

Piolo, wala pa rin umanong oras para sa love life: "I've been single for so many years"
Piolo Pascual (Ogie Diaz YouTube channel)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa naitanong sa kanya ni Ogie Diaz nang paunlakan niya ito ng interview sa set ng play na pinagkakaabalahan ngayon ni Piolo, ang Ibarra.

Read also

Bf ni Nadine Lustre na si Christopher Bariou, ibinahagi ang kanyang cancer journey

Ani Piolo, sa dami ng commitments niya ngayon, tila wala na raw talaga siyang oras para makipag-date o bigyang panahon ang kanyang buhay pag-ibig.

"I've been single for so many years. You Know sometimes of course there are nights na sana may katabi ka... I'm not the type na gusto ko nang may kasama. Nasanay na ako nang ganito. Wala kang pinagrereportan. Wala kang kailangan uwian. Siguro pagtanda ko nang kaunti, aabot ako doon. Pero sa ngayon talaga, I don't see it happening."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"So hindi ko siya ine-entertain, I don't even see the point of being in a relationship because I'm busy. I'm booked 'til next year so I don't have time for it. Even if I want it, wala naman akong time saan ko siya ilalagay?"

Gayunpaman, hindi naman niya umano isinasara ang kanyang isip at puso sa pagkakaroon ng sarili niyang pamilya.

Read also

Jason Hernandez, nilinaw na kaibigan lang niya ang babaeng kasama sa music video

"Sayang naman din 'di ba? Darating naman tayo 'dun since lalake naman tayo. Hindi kailangang magmadali. tumanda man ako, pwede pa rin akong magkaanak."
"So, it's just that for now, this is my priority. And I feel na ang dami ko pang pwedeng gawin, ang dami ko pang gustong gawin, na sana magawa ko before I settle down."
"I know, darating at darating 'yun. If it's for me, then if not, there is my family, there's my son. But hindi ko talaga siya iniisip."

Narito ang kabuuan ng panayam kay Piolo Pascual mula sa Ogie Diaz Inspires YouTube channel:

Si Piolo Jose Nonato Pascual ay isang actor, singer, model, at producer sa bansa. Kabila-kabila ang mga pelikula niyang pumatok sa takilya tulad nang 'Breakup Playlist' kung saan kasama niya si Sarah Geronimo at 'Starting Over Again' kung saan nakapareha naman niya si Toni Gonzaga.

Sa ngayon, pinasok na rin ni Piolo ang mundo ng teatro. Para sa kanya, isa umano itong panibagong karangalan para sa kanya gayung mahal niya talaga ang pag-arte.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel