Jason Hernandez, nilinaw na kaibigan lang niya ang babaeng kasama sa music video

Jason Hernandez, nilinaw na kaibigan lang niya ang babaeng kasama sa music video

- Nilinaw ni Jason Marvin Hernandez na hindi niya girlfriend ang babaeng kanyang nakasama sa kanyang music video

- Ito ang babaeng napasama sa kanyang Instagram stories ilang araw bago niya i-release ang bago niyang kanta

- Ani Jason isa lamang itong kaibigan at binahagi niya rin ang pangalan ng babaeng kasama niya sa MV

- Aniya, hindi pa siya pwede makipagrelasyon lalo at hindi pa na-finalize ang annulment ng kanilang kasal ni Moira dela Torre

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Minabuti ni Jason Marvin Hernandez na linawing hindi niya girlfriend ang babaeng kanyang nakasama sa kanyang music video. Aniya, hindi pa siya pwede makipagrelasyon lalo at hindi pa na-finalize ang annulment ng kanilang kasal ni Moira dela Torre.

Jason Hernandez, nilinaw na kaibigan lang niya ang babaeng kasama sa music video
Jason Hernandez, nilinaw na kaibigan lang niya ang babaeng kasama sa music video (@jasonmarvinph)
Source: Instagram
“Hi, for some people this has been clarified already but I want it to also come from me: the girl in the music video is not my girlfriend."

Read also

Tito Sotto, idinetalye ang mga naganap sa Eat Bulaga noong May 31

Ang babaeng ito ay pinagalanan niya at sinabing taga El Nido ito na pumayag na sumama sa kanyang mv.

“Her name is Sumaya McEvoy, a friend from El Nido who was game enough to shoot the vid,”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Jason Marvin Hernandez ay isang singer composer na unang nakilala bilang karelasyon ni Moira dela Torre at kasama niya sa paggawa at pagkanta ng kanilang mga likhang awitin. Matapos nilang ikasal ay ikinagulat ng mga tagahanga nila nang ilabas nila ang balita tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Matatandaang marami sa mga fans at tagasuporta ng mag-asawang Jason at Moira ang nalungkot sa paghihiwalay ng dalawa. Ito ay kinompirma ni Jason sa pamamagitan ng pag-post sa kanyang social media account. Sa kanyang Twitter account ay makikita pa ang hugot nito noong nakaraang linggo tungkol sa hindi pagsuko. Umani ito ng mga reaksiyon at binalikan ng netizens lalo at naging mainit na usapin ang tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Read also

Tyronia Fowler, may kundisyon bago magkaroon ng kapatid: "Kasal muna po"

Samantala, sa isang Instagram Live video na binahagi ni Moira, marami ang nakapansin na tila malungkot ito at may matinding pinagdadaanan dahil sa kanyang matamlay na reaksiyon. Matapos ang naging pahayag ni Jason ay napagtanto ng mga netizens na may hugot nga ang malungkot na kanta ni Moira sa kanyang IG live. Matatandaang isinapubliko ni Jason ang tungkol sa paghihiwalay nila matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel