Tyronia Fowler, may kundisyon bago magkaroon ng kapatid: "Kasal muna po"

Tyronia Fowler, may kundisyon bago magkaroon ng kapatid: "Kasal muna po"

- Naibahagi nina Toni Fowler at Vince Flores ang tungkol sa kwento ng kanilang pag-iibigan sa kanilang guesting sa "Magandang Buhay"

- Natanong din sa kanila kung may plano na daw ba silang magkaroon ng anak

- Anila, hinihintay nilang maging handa si Tyronia na magkaroon ng kapatid ngunit ang kundisyon umano nito ay dapat kasal muna silang dalawa

- Nang tanungin naman kung pwede na silang magpakasal ay nagsabi umano ito na kinikilala pa niya nang mabuti si Vince

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kabilang sina Toni Fowler at Vince Flores sa guest ng Magandang Buhay ngayong araw at natanong din sa kanila kung may plano na daw ba silang magkaroon ng anak.

Anila, hinihintay nilang maging handa si Tyronia na magkaroon ng kapatid ngunit ang kundisyon umano nito ay dapat kasal muna silang dalawa.

Read also

Biyuda, buwan lang ang pagitan nang mamatayan ng dalawang anak na 'di na gumising

Tyronia Fowler may kundisyon bago magkaroon ng kapatid: "Kasal muna po"
Tyronia Fowler may kundisyon bago magkaroon ng kapatid: "Kasal muna po" (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Ayon daw kay Tyronia kailangang magpakasal muna sila ngunit nang tanungin daw siya ni Vince kung pwede na niya pakasalan ang kanyang mommy, humingi pa raw ito ng oras dahil gusto daw niyang mas makilala pa ito ng lubusan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Read also

Jennica Garcia, kailanman 'di siniraan ang ex: "Mahal ko rin po kasi talaga 'yung family ni Alwyn"

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel