Biyuda, buwan lang ang pagitan nang mamatayan ng dalawang anak na 'di na gumising

Biyuda, buwan lang ang pagitan nang mamatayan ng dalawang anak na 'di na gumising

- Emosyonal na ibinahagi ni Julie na panauhin sa Bawal Judgmental segment ng "Eat Bulaga" kung paanong nawalan siya ng dalawang anak na buwan lang ang pagitan

- Pumanaw ang kanyang ikalawang anak ilang buwan lamang mula nang pumanaw ang mister ni Julie

- 'Di nagtagal, pumanaw din ang panganay niyang anak sa parehong dahilan sa ikalawa, hindi na sila nagising

- Subalit ngayon, tila nakabawi sa kanya ang tadhana dahil sa tagumpay na tinatamasa naman ng kanyang dalawa pang natitirang mga anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Umantig sa puso ng mga nakapanood ng Bawal Judgmental ng Eat Bulaga noong Mayo 26 ang tungkol sa pait na sinapit ng isang ginang na si 'Julie.'

Biyuda, buwan lang ang pagitan nang mamatayan ng dalawang anak na 'di na gumising
Si Julie kasama ang Eat Bulaga Dabarkad na si Maine Mendoza (@eatbulaga1969
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na biyuda na ito at ilang buwan lang matapos na pumanaw ang mister, binawian din ng buhay ang ikalawa niyang anak.

Read also

Tyronia Fowler, may kundisyon bago magkaroon ng kapatid: "Kasal muna po"

Kwento ni Julie, nais pa naman sana ng anak na maglingkod din sa simbahan kung saan pastor ang ama nito.

"Pagdating po ng May 5, 2011 pumanaw na po siya. Dito siya nakatira sa Antipolo. Nagbo-board, nagtatrabaho sa call center. Ang kinamatay niya ay natulog lang."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ganito rin umano ang naging kapalaran ng panganay na anak ni Julie na hindi na lamang nagising sa pagkakatulog.

"Pangalawa, August 2, 2011 namatay naman 'yung kuya niya. Ginusto rin niyang maglingkod sa Panginoon. Natulog lang din... Parehong taon, three months apart."

Sa ngayon, kasama ni Julie ang dalawa pa niyang mga anak at pawang nagbibigay sa kanya ng lakas at determinasyon upang ipagpatuloy ang buhay.

Umantig din sa puso ng marami ang isa pang naging contestant ng 'Bawal Judgmental' na si Danny Cortezano.

Read also

Jennica Garcia, kailanman 'di siniraan ang ex: "Mahal ko rin po kasi talaga 'yung family ni Alwyn"

Matatandaang si Danny ay asawa ni Lorna na minsan nang nag-viral ang love story dahil sa 34 na taon ang agwat ng kanilang edad.

Emosyonal na nabanggit noon ni Danny ang pagkamatay ng kanyang partner na si Lorna na una niyang kasama noon sa naturang segment ng Eat Bulaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel