Ogie D sa balitang buntis umano si Toni G: "Hintay-hintay lang tayo"

Ogie D sa balitang buntis umano si Toni G: "Hintay-hintay lang tayo"

- Nagbigay komento si Ogie Diaz patungkol sa napapabalitang buntis 'di umano si Toni Gonzaga

- Aniya, huwag pakasiguro lalo na at wala pa itong kumpirmasyon mula sa panig ng host

- Maging ang pamilya kasi nito ay tikom sa napapabalitang pagdadalang-tao ni Toni

- Sakaling totoo ang mga epekulasayon, marami naman umano ang matutuwa para sa tinaguriang "Multimedia Star"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maging si Ogie Diaz ay nagbigay komento na rin sa napapabalitang buntis 'di umano si Toni Gonzaga.

Ogie D sa balitang buntis umano si Toni G: "Hintay-hintay lang tayo"
Toni Gonzaga (@celestinegonzaga)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na wala pa mang kumpirmasyon sa panig ng host, kabi-kabilang mga balita ang nagsasabing nagdadalang-tao nga ito.

Dahil dito, maging si Ogie Diaz ay nagpaalala na huwag pakasiguro kahit isa umano itong magandang balita sakaling totoo.

"Di pa tayo confirmed diyan. Hintayin muna natin si Toni Gonzaga na magsalita kung totoong siya ay buntis na. Hindi pa siya umaamin 'day,"

Read also

Cristy kay Karla bilang bagong host ng Face to Face: "Konting higpit siguro ng production"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Hintay-hintay lang tayo. Mahirap na no! Tumatalon agad tayo sa conclusion. Hayaan nating sila ang magsalita. Siguro gusto muna nilang i-confirm sa doctor kung true. Siguro ayaw nilang marami pang nakikialam tulad natin kaya hayaan na natin sila. Kahit pa magandang balita 'yan baka gusto nilang sarilinin ito"

Aniya, darating din umano ang oras na maaring sina Toni mismo ang magkumpirma nito na sa ngayon, maging ang kanyang pamilya ay tikom ang bibig sa maugong na pagbubuntis umano niya.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie mula sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang Filipina singer, television host, actress, producer, vlogger, at entrepreneur. Siya ang panganay sa dalawang anak nina Taytay, Rizal, Vice-Mayor Carlito "Bonoy" at Crisanta "Pinty" Cruz Gonzaga. Si Toni ang ate ng isa ring kilalang aktres at TV host na si Catherine "Cathy" Gonzaga o mas kilala bilang si Alex Gonzaga.

Read also

Vice Ganda sa mga taong bait-baitan at plastic: "Nandidiri talaga ako sa ganyan"

Minsan na ring naikwento ni Toni na ang kapatid niyang si Alex ang nagkumbinsi sa kanya na mag-vlog. Subalit kapansin-pansin na magkaiba ang tipo ng content ng kanilang mga videos.

Sa ngayon, isa ang 'Toni Talks' sa kanyang channel na Toni Gonzaga Studio, sa pinakaaabangang talk show sa YouTube. Linggo-linggo, inspirasyon ang hatid ng mga kwento ng personalidad na kanyang nakakapanayam.

Nito lamang Enero, labis ang pasasalamat ni Toni sa lahat ng sumuporta at dumalo sa kanyang birthday concert at selebrasyon ng kanyang ika 20 taon sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel