Vice Ganda sa mga taong bait-baitan at plastic: "Nandidiri talaga ako sa ganyan"

Vice Ganda sa mga taong bait-baitan at plastic: "Nandidiri talaga ako sa ganyan"

- Nabanggit ni Vice Ganda ang tungkol sa mga taong aniya ay bait-baitan at plastic sa kanya

- Ito ay matapos magbigay ng mensahe sa kanya si Karylle para sa kanyang kaarawan at binahagi nito ang tungkol sa kanilang pagkakaibigan

- Dito at binalikan ni Vice ang nangyari kamakailan kung saan napaniwala umano siya ng ibang tao na may problema sila ni Karylle gayong okay naman daw sila

- Hindi niya din pinalampas ang taong aniya'y nag-message sa kanya at nagsabing hindi nito gustong saktan siya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Malaman ang sinabi ni Vice Ganda kaugnay sa aniya'y mga taong bait-baitan at plastic. Nandidiri daw siya sa mga taong ito na nagkukunwaring mabait.

Vice Ganda sa mga taong bait-baitan at plastic: "Nandidiri talaga ako sa ganyan"
Vice Ganda sa mga taong bait-baitan at plastic: "Nandidiri talaga ako sa ganyan" (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Sa pagdiriwang ng kaarawan ni Vice ay nagbigay ng mensahe ang kanyang mga co-hosts. Kabilang si Karylle sa emosyonal na nagbahagi ng kanyang mensahe.

Read also

Cristy, nabanggit ang umano'y pagbibenta ng mga ari-arian ni Willie Revillame

Binalikan ni Vice ang nangyaring kontrobersiya kamakailan kung saan nabatikos siya nang husto. Dito at nabanggit na niya ang aniya'y bait-baitan.

“May mga gumawa ng gulo tapos may mga sumakay, may mga nagpalaki. May mga ganyan, ‘yung mga nakisakay tapos nakakaloka doon sa mga nakikisakay, magte-text pa ng ‘I didn’t mean to hurt you’. Sagutin ko nga. Hoy wag nga tayong magplastikan. You meant to hurt me. Let’s cut the cycle of plastikan and bait-baitan,”

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Aniya, nandidiri siya sa mga ganitong tao.

"Kadiri. Nandidiri talaga ako sa ganyan. Let’s cut the cycle of plastikan and bait-baitan. Let’s just chill and be ourselves.”

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Read also

AJ Raval, ibinida ang bagong video matapos ang pagpapatanggal ng implants

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel