'Mosang' sa "Len-Len series" ng VinCentiments, isa pala umanong Kakampink
- Isa pala umanong 'Kakampink' ang gumanap na "Mosang" sa Len-Len series ni Darryl Yap
- Sa kanya mismong Facebook post, binahagi ni Rowena Quejada na dumalo siya ng campaign rally ng Robredo-Pangilinan tandem sa Pampanga
- Matatandaang ang 'Len-Len series' ay pinagbibidahan din ni Senator Imee Marcos at Juliana Parizcova Segovia
- Sa iba pang mga post ni Quejada, makikita ang kanyang pagtuligsa sa korapsyon
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Kakampink" pala umano ang gumanap na 'Mosang' sa Len-Len series na si Rowena Wengkie Quejada.
Nalaman ng KAMI na ibinahagi kamakailan ni Rowena na dumalo siya ng campaign rally nina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan sa Pampanga noong Abril 9.
"WE are PINK and YES we are here @ San Fernando, Pampanga" ang caption ng post ni Rowena na nakasuot ng pink at bahagi ng 220,000 katao sa pinakamalaking rally sa ngayon ng mga supporters ng 'Leni-Kiko tandem' at Tropang Angat senatoriables.
Ayon sa balita.net, kapansin-pansin din ang mga post ni Rowena patungkol sa pagtuligsa sa umano'y korapsyon sa ating bansa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nasabi rin ng aktres ng 'Len-len series' na sa kabila ng kanyang pagganap sa seryeng pinagbibidahan din ni Senator Imee Marcos at Juliana Parizcova Segovia, pinili pa rin niya umanong maging isang 'kakampink.'
Narito ang kabuuan ng kanyang post:
Kamakailan ay naging usap-usapan online ang short film na kinabibilangan ni Senator Imee Marcos na may pamagat na 'Bitter Len-len' na naibahagi niya mismo sa kanyang social media.
Patungkol 'di umano ito sa payo ni Senator Imee sa kanyang kausap na papatol na sana sa basher nito.
Inihalintulad niya ang sitwasyon sa kapeng iniinom niya noon na nilarawan pa niyang 'mapait.'
Samantala, kaugnay ng seryeng ito sa direksyon ni Darryl Yap, tila nakahanap umano ng bagong 'best friend' ang online personality na si Jam Magno.
Binigyang puri ni Jam si Darryl sa umano'y nasabi nito sa kanyang post na tila imposible ang pagtatrabaho sa loob ng 18 oras.
Sa kanyang pagpapatuloy, binanggit din ni Magno ang mga pagkakapareho umano nila ng paniniwala ni Yap at ng kanilang sinusuportahan na sina presidential aspirant Bongbong Marcos at ka-tandem nito sa pagka-bise presidente na si Sara Duterte.
"So to Direk Darryl Yap, you are a genius!," dagdag pa ni Magno.
Source: KAMI.com.gh