'Bitter Len-len' video ni Senator Imee Marcos, usap-usapan online

'Bitter Len-len' video ni Senator Imee Marcos, usap-usapan online

- Naging usap-usapan online ang short film ni Senator Imee Marcos na may pamagat na 'Bitter Len-len

- Tungkol umano ito sa payo niya sa kausap na papatol umano sa mga basher sa social media

- Inihalintulad niya ito sa kanyang kape na noo'y kanyang iniinom na sinabi niyang mapait

- Umabot na sa 2.7 million ang views ng naturang video na umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral ngayon ang short film na pinagbibidahan ni Senator Imee Marcos. May pamagat itong 'Bitter Len-len' at kanyang ibinahagi sa kanyang social media.

Nalaman ng KAMI na patungkol 'di umano ito sa payo ni Senator Imee sa kanyang kausap na papatol na sana sa basher nito.

'Bitter Len-len' video ni Senator Imee Marcos, usap-usapan online
Photo: Senator Imee R. Marcos
Source: Facebook

Inihalintulad niya ang sitwasyon sa kapeng iniinom niya noon na nilarawan pa niyang 'mapait.'

Read also

Madam Inutz, ibinahagi ang behind the scenes ng recording niya ng kantang 'Marites'

"Huy, hindi ba sinabi ko sa inyo, 'wag nang magpapapatol sa social media.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Ako ba nakikita niyong sumasagot diyan sa social media?
"Nakita mo ba akong nakikipagpatutsadahan sa mga basher na yan?
"Imagine kung nagpapapatol ako, sa dami ng nagbabash sa amin, baka hindi ako ganito kaganda at my age

"Len-len, ang pait ng kape mo!", ang ilan sa mga linya ni Senator Imee sa video.

"Ang pakikipag-usap, parang kape 'yan. Tama lang na mainit. Umuusok. 'Yung coffee beans, 'yan ang issue. Ang hot water 'yan ang brain cells mo. Dapat matunaw ang substance para dama ang aroma at sustansya,
"'Yung cream o milk, 'yan ang mga simpleng dagdag ng mga life experiences.Kaunting cream of learning. Adding richness to the conversation. Ngayon 'yung sugar, dependa 'yan sa kausap. Kung bet mong magpaka-sweet. O kahit hindi mo gusto ang takbo ng usapan, tamisan mo ng konti, para hindi na magkasamaan," dagdag pa nito.

Read also

Heaven Peralejo, ibinahagi ang kanyang trip kasama ang kanyang "new baby"

Narito ang kabuuan ng video na written and directed by Darryl Yap. Mayroon na itong mahigit 2.7 million views:

Si Maria Imelda Josefa Remedios "Imee" Romualdez Marcos o mas kilala bilang si Imee Marcos ay isa sa mga kasalukuyang senador ng bansa mula noong 2019. Dati siyang gobernador ng Ilocos Norte mula 2010-2019 at naging kinatawan ng 2nd district mula 1998 hanggang 2007.

Kapatid siya ni dating senador Bongbong Marcos na kasalukuyang kumakandidato sa pagka-pangulo ng bansa sa darating na Halalan sa Mayo.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: