Madam Inutz, ibinahagi ang behind the scenes ng recording niya ng kantang 'Marites'

Madam Inutz, ibinahagi ang behind the scenes ng recording niya ng kantang 'Marites'

- Ibinahagi ni Madam Inutz ang mga kaganapan sa recording niya ng bagong single na 'Marites'

- Isa ito sa mga proyekto ni Madam Inutz pagkalabas niya sa 'Pinoy Big Brother' house

- Apat na ang na-record na awitin ni Madam at mayroon pa umanong limang naka-line up kaya super excited na siyang maipakinig ito sa kanyang supporters

- Kamakailan ay nabanggit din ni Madam Inutz ang kanya umanong lock-in taping kung saan isa sa makakasama niya sa proyekto ay si Piolo Pascual

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naibahagi ni Madam Inutz ang mga kaganapan sa makulit na recording ng bagong ilalabas niyang awitin na may pamagat na "Marites."

Nalaman ng KAMI na isa lamang ito sa halos sampung kantang ilalabas ni Madam Inutz.

Aniya, apat na ang nai-record niya at isa sa mga pakaaabangang kanta niya ay ang "Madam."

Read also

Heaven Peralejo, ibinahagi ang kanyang trip kasama ang kanyang "new baby"

Madam Inutz, ibinahagi ang mga behind the scenes ng recording niya ng kantang 'Marites'
Madam Inutz (Photo from Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Talagang todo-todo ang kasipagan ni Madam Inutz na sunod-sunod pa rin ang naging proyekto mula nang lumabas ito sa Pinoy Big Brother House bilang isa sa Final 5.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon pa kay Madam, lima pa umanong kanta ang naka-pending niyang i-record.

Bukod pa rito, ginanap na rin ang shoot ng kanyang music video na talagang bongga at pinaghandaan sa dami ng kanyang look sa set.

Super excited na rin umano si Madam Inutz gayung nagsisimula na ang lock-in taping ng proyekto kung saan isa sa makakasama raw niya ay si Piolo Pascual.

Narito ang mga kaganapan sa kanyang recording:

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling.

Read also

Jackie Lou Blanco, inaming bukas sa posibilidad ng pakikipagbalikan kay Ricky Davao

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento kanyang pagsisikap.

Nang makalabas sa bahay ni Kuya, agad niyang hinarap ang mga proyektong inihanda sa kanya ng manager na si Wilbert Tolentino.

Kabi-kabilang mga guestings at interviews ang kanyang pinaunlakan at patuloy pa rin ang kanyang pagiging online raketera dahil sa mga bagong produkto na kanilang nai-launch kamakailan.

Masaya ring naibalita ni Madam Inutz na nanalo rin siya bilang 2021 Outstanding Social Media Influencer ng Gawad Amerika.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel